ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Bahay ni Arch. Conrad Onglao, nobyo ni Zsazsa Padilla, sisilipin sa 'Powerhouse'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


POWERHOUSE: ARCHITECT CONRAD ONGLAO
Date of Airing: May 6, 2015
 
Ngayong Miyerkules sa Powerhouse, samahan si Kara David na kilalanin ang lalaking muling nagpatibok sa puso ni Zsa Zsa Padilla—si Architect Condrad Onglao.
 
Sa unang pagkakataon, bubuksan niya ang kaniyang apat na palapag na tahanan sa Makati. Moderno ang disenyo ng buong bahay na may mataas na kisame at malalaking bintana. Ang kanyang hagdan ay aakalaing nakalutang—ito raw ang ilusyon na gusto niyang iparating sa sinomang makakakita nito. Mayroon din siyang elevator kung saan tanaw ang view sa labas. Isa naman sa modernong gamit sa loob ng bahay ay ang tinatawag niyang dumbwaiter, isang tila maliit na elevator na sa halip na tao ang dinadala sa bawat palapag ay tray ng pagkain.

 
Isa si Conrad sa mga tinitingala ngayon sa larangan ng Architecture at Interior Design sa Pilipinas. Ilan sa mga proyekto niya ay ang Bahay Pangarap na siyang opisyal na tahanan ni Pangulong Benigno Aquino III. Siya rin ang arkitekto ng bahay ng mga kilalang personalidad tulad nina Imee Marcos, ang mga negosyanteng sina Don Jaime Zobel de Ayala at Doris Magsaysay-Ho, at ng Mega Star na si Sharon Cuneta.
 
Si Sharon ang nagsilbing matchmaker nina Conrad at Zsa Zsa sa pamamagitan ng isang blind date.  Bagamat may kani-kaniyang nakaraan, hindi ito naging hadlang sa kanilang pagsasama. Diborsiyado si Conrad at may dalawang anak. Samantalang tatlo naman ang anak ni Zsa Zsa. Taong 2012 nang pumanaw ang long-time partner ni Zsa Zsa, ang King of Comedy na si Dolphy. Ayon kay Conrad nirerespeto niya ang nakaraan ni Zsa Zsa, "He was a good man. Her past is her past; so is mine,” ayon sa arkitekto.
 
Nagpaunlak ding magpa-interview si Zsa Zsa  sa Powerhouse at nang tanungin siya kung ano ang nagustuhan niya kay Conrad, ito ang diretsahan niyang sinabi,  "I like him as a family man. That’s what I really wish for, somebody that has a strong hold on family. I don’t know where it's going to lead to but we stay together now. Anyway, we’re not hurting anybody, we’re both of age.”
 
Kung ang arkitekto naman ang tatanungin, napag-uusapan na raw nila ang kasal:  "We know that's where we’re heading, alam naman namin 'yun pero hindi pa lang namin nase-set kung ano 'yung araw."
 
Huwag palalampasin ang episode na ito ng Powerhouse ngayong Miyerkules, 4:35 ng hapon sa GMA 7.