ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Greek-inspired na bahay nina Miriam Quiambao at Ardy Roberto, bibisitahin sa 'Powerhouse'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


Powerhouse: Ardy and Miriam Roberto
May 27, 2015
Kinakailangan pa raw na ilista ni Miriam Quiambao noon ang mga katangian ng lalaki na gusto niyang makasama habang buhay. Pero hindi niya inakalang ang mentor niya sa pagsusulat ng libro na si Ardy Roberto ang lalaking magdurugtong ng kuwento ng kanyang buhay pag-ibig.
?Diborsiyada si Miriam at si Ardy naman ay biyudo nang pumanaw ang kanyang asawa dahil sa lupus. Magkaiba man ang naging kapalaran pagdating sa pag-ibig ay pinagtagpo raw sila ng Diyos dahil sa panalangin. Paano nga ba napaglapit ang kanilang mga puso para maging "God's best choice" para sa isa't isa? Iyan ang ibabahagi ng dalawa kay Kara David.
?Greek-inspired ang tatlong palapag na tahanan ng mag-asawang Ardy at Miriam Roberto. Isang hotel sa Israel ang naging inspirasyon ni Ardy para ipares ang istruktura ng kanilang bahay na tulad ng mga makikita sa Santorini, Greece. Taong 2011 nang ito ay itinayo kasama ang unang asawa ni Ardy at anak na si Joshua na ngayon ay pitong taong gulang na. Dome-shaped ang bubong at puti ang naghaharing kulay sa buong bahay. Sa sala naman ay matatagpuan ang ilang gamit ni Miriam na mula pa sa kanyang dating sariling tahanan gaya ng day bed, frames at ilang mga unan. Maging ang stained glass ay bahagi raw ng kanilang Greek theme at ang arkitektong nagdisenyo nito ay walang iba kundi ang kapatid daw mismo ni Ardy.

Pagdating sa ventilation, tagusan ang hangin dahil sa mga sliding door kung kaya't presko ang paligid at hindi na kailangan ang aircon sa loob ng bahay. Sa itaas ng master's bedroom naman makikita ang kanilang roof top garden. Minsan ay nagka-camping pa raw sila rito at naglalagay ng tent.
?Sumama sa paglilibot at abangan ang kuwento ng pag-ibig nina Ardy at Miriam Roberto kasama si Kara David ngayong Miyerkules sa Powerhouse.
More Videos
Most Popular