ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Tahanan ng 'Bad Boy ng Dance Floor' na si Mark Herras, tampok sa 'Powerhouse'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Una niya tayong pinabilib sa Starstruck, at pinakilig sa tambalan nila ni Jennylyn Mercado. Naging magulo man ang kanyang nakaraan bago mag-artista, naging isa siya sa pinakasikat na produkto ng artista search ng GMA. Nakilalang "babaero” man dahil na-link sa nag-gagandahang artista, nag-mellow down na ba siya para sa kanyang anak na si Ada? Ngayong nasa tamang edad na, handa na ba si Mark na mag-seryoso sa pag-ibig? Sisilipin ni Kara David ang bahay ni Mark para alamin kung ready nang mag-settle down ang chickboy na “Bad Boy ng Dance Floor."


Dalawang ama ang nakagisnan ni Mark Herras mula noong bata pa siya. Madalas man daw siyang tuksuhin dahil sa kakaiba niyang pamilya, hindi raw ikinahiya ni Mark ang mga ito.
Ang kanyang Daddy Jun at Tito Hermie ang nagtulak sa kanya para pasukin ang mundo ng showbiz nang magkaroon sila ng problemang pinansyal. Hindi raw talaga balak ni Mark na mag-artista pero nakitaan naman siya ng talento sa pagsayaw ng kaniyang mga magulang noong 14 taong gulang pa lamang siya. Pinalad si Mark na makasali sa Batch 1 ng Starstruck, ang reality-based artista search ng GMA 7. Dahil sa angking talento ay tinaghal siyang "1st Ultimate Male Survivor” ng patimpalak noong 2003. Ngayon, nagbabalik si Mark sa Starstruck bilang segment host at taga-gabay sa panibagong batch ng contestants.


Walong tao ang naninirahan sa dalawang palapag na bahay ni Mark sa Quezon City na mayroong limang kuwarto. Kasama niya rito ang kaniyang pamilya.


Dahil nalalapit na ang pasko ay bubungad agad ang christmas tree sa living room ni Mark. Pagpasok pa lang daw kasi ng "ber" month ay nagsisimula na raw silang maglagay ng dekorasyong pamasko sa bahay. Sa living room makikita ang mga award at plaque of recognition na natanggap ni Mark simula nang siya ay mag-artista.
Ipakikita ni Mark ang kaniyang kuwarto na matatagpuan naman sa ikalawang palapag. Dito naman ipasisilip niya ang kanyang koleksyon ng action figures, rubber shoes at caps. Hindi raw kumportable si Mark sa mataas na kama kaya wala siyang bed frame. Katabi ng kanyang kama ang play tent ng kaniyang anak.

Ipakikita ni Mark ang kaniyang kuwarto na matatagpuan naman sa ikalawang palapag. Dito naman ipasisilip niya ang kanyang koleksyon ng action figures, rubber shoes at caps. Hindi raw kumportable si Mark sa mataas na kama kaya wala siyang bed frame. Katabi ng kanyang kama ang play tent ng kaniyang anak.

Mana raw kay Mark pagdating sa kakulitan at pagta-tantrum ang anak niyang si Ada. Ano kaya ang nagbago mula nang siya’y naging ama? Ano kayang bonding ang ginagawa ng mag-ama pag magkasama sila?
Ngayong Miyerkules, kilalanin ang "Ultimate Bad Boy ng Dance Floor” na si Mark Herras kasama si Kara David sa Powerhouse, 5:20 ng hapon sa GMA.
Tags: prstory, markherras
More Videos
Most Popular