ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Sikreto ng tagumpay ng negosyanteng si Cheese Ledesma, tampok sa 'Powerhouse'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 

 

Beinte anyos pa lang, isang milyon ang kinita ni Cheese Ledesma Ong sa negosyo. Bunga raw ito ng pagsisikap na itaguyod ang maliit na negosyong pinili niya kesa sa isang maayos na trabaho sa Amerika. Iba raw kasi talaga ang magmay-ari ng sariling negosyo kesa sa mamasukan sa trabaho.

 

 

 

Madalas daw na usapan sa kanilang pamilya ang pagnenegosyo kaya naman bata pa lang daw si Cheese ay nagbebenta na siya ng cookies  at lapis sa mga kaklase. Pagtuntong naman ng kolehiyo, mga damit naman ang kaniyang ibinenta. Nang makapagtapos siya ng kursong Business Administration, mas pinili niya ang regalong pampuhunan sa halip na isang mamahaling relo. Paano nga ba napalago ni Cheese ang kaniyang negosyo at naging matagumpay sa buhay?

 

 

1994 nang inumpisahan niya ang kanyang fruit shake business. Umabot na raw ito sa 40 na branches bago niya ito ibinenta. Maganda naman ang takbo nito pero ginusto niyang pagtuunan ng pansin ang mga bagong negosyong sinisimulan niya. Sa ngayon,  may restaurant at real estate business si Cheese. Ang hilig niya sa pag-aayos ng bahay ang nag-udyok sa kanyang pumasok sa real estate business kung saan bumibili siya ng lumang bahay para i-renovate at ibentang muli.

 

 

 

Sa walong taon na pagsasama nina Cheese at asawa nitong si Joel, limang bahay na raw ang  kanilang natirahan. Dalawang taon pa lamang daw sila sa kanilang mala-resort na bahay dito sa Makati. Isang palapag lamang ito at may lawak na 700 square meters ang lot area at 300 square meters naman ang floor area. Si Cheese mismo ang nagdisenyo ng kanilang tahanan.

 

 

 

 

 


 

Halos isang buong pader ang sinakop ng isang painting ni Ivan Acuna  na bubungad sa pagpasok sa kanilang bahay.

 


 

 

 

Agaw atensyon din ang ilang lamps at wall decor na gawa ng isang industrial engineer. Dahil mahilig sa dimsum si Cheese ay niregaluhan siya ng kaniyang asawa  ng isang dimsum cart. Ito raw ang pinakapaboritong gamit ni Cheese sa loob ng kanilang bahay.

 


 

May mini-classroom din para sa kanilang mga anak  na sina Calene at Coco dahil homeschooled ang mga ito.

 

 

Ngayong Miyerkules, samahan si Kara David na libutin ang bahay at alamin ang sikreto ng tagumpay  ng negosyanteng si Cheese Ledesma sa Powerhouse pagkatapos ng Destiny Rose.

Tags: pr