ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Tahanan nina Camille Prats at Nelson Canlas, tampok sa 'Dream Home'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 


 


Ang papel niya bilang Princess Sarah ang nagbigay ng break kay Camille Prats sa mundo ng showbiz.  Sa katunayan isang tiara ang kanyang pina-tattoo sa kanyang paa para magsilbing alaala ng kanyang pagiging munting prinsesa.  Nagdalaga man siya at nagpalit ng imahe ay naniniwala siyang "once a princess, always a princess.”

 


 


Malaking pagsubok daw kay Camille ang pagpanaw ng kanyang prince charming na si Anthony Linsangan pero malaki raw ang naitulong  ng kanyang pamilya at anak sa kanyang pagbangon. Masaya na rin siya kapiling ang kanyang kababatang si VJ Yambao. Maging "happily every after" na kaya ang lovelife ni Camille matapos mag-propose si VJ?

Sa tahanan ng mga Prats naninirahan si Camille kasama ang mga magulang at anak na si Nathan. Puno ng mga larawan ng pamilya ang kanilang tahanan.  Isang koleksyon ng VHS tapes  ang matatagpuan sa pangalawang palapag ng kanilang  bahay.  Ito raw ang lahat ng guestings at shows  nina Camille at ng kanyang kapatid na si John na ni-record ng kanilang mga magulang simula nang mag-artista ang dalawa.

 


 


Paboritong agahan ni Camille ang tocilog at tapsilog. Bilang isang sorpresa, ipatitikim ng Dream Home ang dalawang kakaibang recipe ng Tocino at Tapa na lalong magpapaganda ng gising ng mga manonood.

 


Simple at hindi mala-palasyo ang dream home ni Nelson kaya sa isang condo unit niya napiling tumira. Kahit na hindi engrande ay sinisiguro niyang naririto lahat ng magpapaligaya sa kanya, kaya naman naging creative si Nelson sa kagamitan at lay-out ng kanyang tahanan.

 


 


Ituturo niya ang ilang space saving tips tulad ng sofa niyang nagiging kama at ilang improvised na gamit gaya ng wall clock. Ipinasadya pa nga raw niya ang cabinet na maari ring  maging upuan. Dahil mahilig din sa photography, ang isang litrato na kinunan niya mismo at pina-print sa canvas ay nagmukhang painting na naka-frame.

Gaya ni Camille na nagmamadali tuwing umaga, on-the -go rin si Nelson dahil sa trabaho kaya may ituturo siyang quick and easy breakfast recipe na pagsasaluhan nila ni Kara.

 


Tags: pr