ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga PWD na nakikipagsabayan sa trabaho, tampok sa 'Reel Time'


 

RT PRESENTS PWD: PERSONS WITH (DIS)ABILITY

Hindi sila marunong --- Hindi sila marunong ma-late. Hindi sila marunong magpabaya. Hindi sila marunong mandaya. Hindi sila marunong magsinungaling. ‘Yan daw ang ilan sa mga dahilan kung bakit sila natatangi.

Ikaw, tatanggap ka ba ng isang PWD o person with disability na empleyado o sa iyong kumpanya? 

Si Vico Cham, 25 anyos, apat na taon na siyang nagtatrabaho bilang Graphics and Admin Assistant sa isang kumpanya. Ayon sa kaniyang mga katrabaho, siya ay focused sa trabaho at ayaw na ayaw na nagkakamali sa mga ginagawa niya. Palabiro at masayahin si Vico sa oras ng break pero seryoso kapag oras ng trabaho, tulad ng karamihan. Sa unang tingin, hindi mo mapapansin pero mayroon siyang autism spectrum disorder.  “Mr. Proudly Autistic” --- ‘yan ang bansag ni Vico sa kaniyang sarili pero mas proud daw ang kaniyang mga magulang sa husay na ipinapakita niya sa trabaho sa kabila ng kaniyang kondisyon.

Isa lang si Vico sa 121 na PWD na nagkaroon na ng trabaho sa ilalim ng Project Inclusion. Sa ngayon, may 600 pang registered job seekers sa daretohiremenow.com, isang web portal kung saan maaaring magrehistro ang mga PWD na naghahanap ng trabaho.

Walang natatalang estadistika kung ilang PWD sa Pilipinas, ang walang hanapbuhay. Malinaw na tanda ito ng kulang na atensiyon na nabibigay sa mga katulad nila sa bansa. Sa buong mundo, nasa isang bilyon o 15% ng populasyon ang may disability. 80% sa kanila ay naninirahan sa mga low-income na bansa kung saan marami ang mahirap at walang access sa mga basic na serbisyo ng pamahalaan ang mga mamamayan. Sa huling tala naman ng National Statistics Office noong 2010, mahigit isang milyong Pilipino ang PWD. Bagamat maraming batas ang dapat sana ay tumutugon sa kanilang mga pangangailangan, kulang na kulang ang pagpapatupad sa mga ito.

Si Joyce Nicdao, 37 anyos, nakatapos ng secondary education pero dahil sa polio meningitis at pagkakatali sa wheelchair, hindi siya makakuha ng mas magandang trabaho. Ganunpaman, desidido na ulit si Joyce na maghanap ng hanapbuhay dahil alam niyang may sapat siyang kakayahan sa kabila ng kaniyang kakulangan.

Kilalanin natin ang mga magigiting na PWD na lumalaban sa mga pagsubok ng buhay sa Reel Time Presents PWD, Persons with (Dis)ability ngayong Sabado, May 20, 9:15 ng gabi sa GMA News TV.

 

Tags: pr, plug, reeltime, pwd