Pakwan farmer, bibigyan ng pak na pak na ‘Day Off!’

Papalapit na ang tag-init kaya hatid ng Day Off winner nating si Elmer Calimlim ang best fruit to beat the heat na pakwan!
Halos tatlong dekada nang pakwan farmer sa Magalang, Pampanga si Elmer, 42 years old.
Ang kanyang expertise, makikita ni Ken Chan habang kinikilatis ang anim na variety ng watermelon. Handa na ba ang ating katropa na magtanim at mag-harvest ng sandamakmak na pakwan sa matinding init?
Stay-in si Elmer sa farm kaya malayo siya sa kaniyang pamilya na nasa Tarlac City. Tuwing day off niya, tambak naman siya ng labada. Kaya naman may maagang pa-summer outing si Maey Bautista kay Elmer kasama ang kaniyang pamilya. Ang kanilang Day Off Destination --- Cuyapo, Nueva Ecija!
Dito, matitikman nila ang pinakasikat na pansit! May maiuuwi pa silang flavored vinegar at dragonfruit wine bilang souvenir. Makakapag-relax rin si Elmer kasama ang kaniyang nanay Viring sa isang spa. Ano naman kaya ang inihandang sorpresa ni nanay sa kaniyang masipag na anak?
Huwag pahuhuli sa masayang Day Off ngayong Sabado, 6:15 PM, sa GMA News TV!