ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Rice Tarrification Law, nakabubuti nga ba sa Pilipinas?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 


REEL TIME PRESENTS “MGA BABAENG BUKID”

Walong buwan matapos pirmahan ni Pangulong Duterte Republic Act 11203 o ang Rice Tarrification Law, ramdam na ramdam ng mga magsasakang Pilipino ang epekto nito sa kanila, lalo na sa pinakamalaking rice producing Province ng bansa, ang Nueva Ecija.

Dahil sa pagbagsak ng presyo ng palay, may mga nababaon sa utang, nagsasangla ng palayan, nagsasaradong mga negosyo, at mayroon pang mga namumulot na lamang ng palay para lamang may makain. Ang pautang ng gobyernong P15,000, iilan din lang naman daw ang nabibiyayaan.

Ngayong Nobyembre ipinagdiriwang ang National Rice Awareness Month, Kilalanin natin sina Aling Ella, Aling Nila, Aling Lina at ang iba pang mga kababaihang magsasaka ng Nueva Ecija na butas na ang bulsa, kumakalam pa ang sikmura, sa Reel Time presents “Mga Babaeng Bukid”, November 1, Biyernes 7:15 ng gabi sa GMA News TV.