ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Refugees and MTRCB
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on July 21, 2009 Tuesday night after Saksi REFUGEES Report by Jiggy Manicad More than 600,000 Filipinos were forced to escape to evacuation centers as they were caught between battling government and extremist forces in 2008. As the numbers swell, the International Monitoring Center in Geneva declared the Philippines as the country with the most number of persons displaced by conflict - more than the number of refugees even in troubled African countries. In the the town of Datu Piang in Maguindanao alone, more than thirty thousand evacuees are languishing in a place with not enough food, no water and no electricity. Dozens have died, many of them children, because of their appalling condition. Despite continuing efforts, clearly many essential needs are sorely lacking. What is the government doing to bring these people back to their normal lives? MTRCB Report by Maki Pulido Film is an art and expression often depicting social realities. But not all films are allowed for public viewing. The Movie and Television Review and Classification Board or MTRCB screens films that are suited for the public. In the past, the board was hurled with criticisms for its controversial decisions not to allow some films for viewing. Recently, censorship allegations were causing friction between the MTRCB and the University of the Philippines Film Institute. After UPFI allegedly allowed public and commercial screening of X-rated films, the board then asked UPFI to stop screening films without corresponding permit from MTRCB. Is this pure regulation or repression?
REFUGEES Ulat ni Jiggy Manicad Mahigit anim na raang libong Pinoy ang napilitang lumikas sa gitna ng bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at rebeldeng grupo sa ilang lugar sa Mindanao noong 2008. Habang papataas ang bilang, idineklara ng International Monitoring Center ang Pilipinas bilang bansang may pinakamaramaming refugees sa buong mundo, mas marami pa raw sa mga bansang gaya ng Africa. Sa bayan ng Datu Piang sa Maguindanao, mahigit tatlumpung libo ang mga naghihirap sa evacuation center. Kulang sa pagkain, tubig at maging kuryente ay wala sa lugar. Ilan na ang sinasabing namatay kabilang ang mga bata dahil sa kalunos-lunos nilang kalagayan. Sa kabila ng mga hakbang, malinaw na marami pa ring pagkukulang sa mga refugee. Ano ang mga ginagawa ng pamahalaan para ibalik ang mga taong ito sa dati nilang buhay? MTRCB Ulat ni Maki Pulido Isang uri ng sining at eskpresyon ang pelikula. Sinasalamin nito ang mga makatotohanang isyu sa lipunan. Pero hindi lahat ng pelikula ay pinapayagang ipalabas sa publiko. Sinasala ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB ang mga pelikulang dapat mapanood. Ilang beses nang nalagay sa kontrobersiya ang MTRCB sa mga nagdaan desisyon nitong hindi ipalabas o tanggalin ang ilang eksena sa ilang pelikula. Pinangangalagaan daw ng ahensiya moralidad sa lipunan. Kamakailan, muling nalagay sa batikos ang ahensiya matapos umanong pagbawalan ang Unibersidad ng Pilipinas ng pagpapalabas ng maseselang pelikula. Gusto umanong magkaroon ng kamay ang MTRCB sa mga pelikulang inilalabas sa UP. Pero inaalmahan ito dahil may sarili raw itong awtonomiya. Regulasyon o represyon nga ba ang ginagawa ng MTRCB?

Tags: reportersnotebook
More Videos
Most Popular