ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"Senator Antonio Trillanes IV" and "Teen Suicide"


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on January 4, 2011 Tuesday after Saksi! SENADOR ANTONIO TRILLANES IV Ulat ni Rhea Santos Isa siya sa mga sundalong namuno sa naganap na "Oakwood siege" noong 2003 at " Manila Peninsula standoff" noong 2007 - si Antonio Trillanes IV. Dahil sa mga kaso ng rebelyon at kudeta, siya ay nakulong. Pero sa kabila ng pagkakapiit, tumakbo at nanalo bilang Senador noong 2007. Matapos ang pitong taong pagkakakulong, pansamantalang napalaya si Sen. Trillanes noong nakaraang buwan. Sa isang natatanging panayam, ibabahagi ng Senador ang kanyang naging buhay sa loob ng kulungan at sasagutin ang mga isyung ipinupukol sa kanya. TEEN SUICIDE Ulat nina Maki Pulido at Jiggy Manicad Araw ng Pasko, natagpuang walang buhay ang labing-apat na taong gulang na si "Popoy" sa kanilang bahay. Habang masayang ipinagdiriwang ang Kapaskuhan, winakasan ni Popoy ang sariling buhay. Sa pinakahuling tala ng Department of Health, pabata nang pabata ang mga namamatay dahil sa suicide. Kung dati, edad trenta o kuwarenta ang mga nagpapakamatay, ngayon edad 25-29 na raw ang nangunguna sa listahan kasama ang edad labing-walo pababa. Bakit tumataas ang bilang ng mga nagpapakamatay?