ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Mendiola Massacre at Panganib sa Ring
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MENDIOLA MASSACRE 25 Ulat ni Jiggy Manicad Dalawampu't limang taon na mula nang maganap ang pangyayaring binansagan bilang Mendiola Massacre. Noong Enero 22, 1987, isang kilos protesta ang inilunsad ng libu-libong magsasaka upang isulong ang repormang agraryo kabilang na ang pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka. Pero ang pagkilos na naganap sa Mendiola, nauwi sa madugong dispersal. Nagkaroon ng komosyon sa pagitan ng mga pulis at raliyista at umalingawngaw ang mga putok ng baril. Sa huli, labing tatlong magsasaka ang nasawi at ilan pa ang nasugatan. Makalipas ang mahigit dalawang dekada, ano ang kinahinatnan ng kanilang ipinaglalaban? Nakamtan ba ang hustisyang kanilang inaasam-asam? PANGANIB SA RING Ulat ni Maki Pulido Hindi maikakailang mapanganib ang boxing. Sa ilang pagkakataon, ilang boksingerong Pinoy na ang nalagay sa balag ng alanganin dahil sa larong ito. Naging mitsa ito ng buhay ng mga boksingerong sina Eugene Barutag noong 1995 at Lito Sisnorio noong 2007. Masuwerte mang nakaligtas, minsan ding naging kritikal ang dinanas ng mga boksingerong sina Z Gorres at Brian Viloria. Nitong Sabado, isa na namang Pinoy boxer ang napahamak - ang bagitong boksingerong si Karlo Maquinto, nacomatose matapos ang laban sa kapwa Pilipino. Bakit nauwi sa kapahamakan ang laban?
More Videos
Most Popular