ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Malupit na Disiplina' at 'Inabandonang Anghel' sa Reporter's Notebook


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
REPORTER'S NOTEBOOK July 31, 2012   MALUPIT NA DISIPLINA Ulat ni Jiggy Manicad Mapa-loob o labas ng tahanan, nagiging kabaha-bahala na raw ang mga kabataang biktima ng corporal punishment o ang malupit na parusa o disiplina. Sa pag-aaral ng Save the Children Foundation, lumalabas na walumpung porsyento ang nakararanas nito mula sa kanilang magulang, guro at guardian. Isang panukala ang kasalukuyang nakabinbin sa Kongreso - ang House Bill 4455 o Positive Discipline of Children Act na nagbabawal sa anumang uri ng corporal punishment sa mga bata. Magiging sagot nga ba ito upang wakasan ang karahasan laban sa mga kabataan?   INABANDONANG ANGHEL Ulat ni Maki Pulido Sanggol na iniwan sa tren, sa eroplano, sa simbahan o iba pang lugar sa lansangan. Tila ordinaryong balita na ang makarinig ng mga sanggol na inaabandona o iniiwan ng sarili nilang magulang. Paano ito tinutugunan?