ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Yaman ng mga Marcos' sa Reporter's Notebook
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
REPORTER'S NOTEBOOK September 25, 2012 YAMAN NG MGA MARCOS Reporter's Notebook Special Report Ulat nina Jiggy Manicad at Maki Pulido Sa tinatayang halaga na aabot ng lima hanggang sampung bilyong dolyar, binansagan itong pinakamalaking halaga ng umano'y nakaw na yaman sa modernong panahon. Ito ang umano'y ill-gotten wealth ng pamilya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Mula sa mga bahay at lupain, shares of stocks sa iba't ibang kumpanya, mamahaling alahas, bank accounts sa Switzerland at Amerika, nakakalula ang kayamanan ng dating Unang Pamilya. Noong 1986, binuo ang Presidential Commission on Good Government o PCGG upang bawiin ang sinasabing ill-gotten wealth ng mga Marcos. Makalipas ang mahigit dalawampu't limang taon, nasa mahigit dalawang bilyong dolyar pa lang ang nababawing umano'y nakaw na yaman. May mga kasong naipanalo ang gobyerno kaugnay nito. Marami pa ang kasalukuyang nakabinbin sa mga korte. Sa paggunita ng ika-apatnapung taong anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar, susuriin ng Reporter's Notebook ang paghahanap at paghahabol sa iba't-ibang yaman at ari-arian ng mga Marcos. Saan napunta ang mga nabawing ari-arian? Bakit tila hirap ang pamahalaan na maibalik sa kaban ng bayan ang iba pang umano'y nakaw na yaman?
More Videos
Most Popular