ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Reporter's Notebook: 'Standoff sa Sabah' at 'Batang Tanso'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
REPORTER'S NOTEBOOK
Airing date: March 5, 2013
"STANDOFF SA SABAH"
Ulat ni Maki Pulido
Hidwaang nagsimula nang magtungo ang ilang miyembro ng Royal Army ng Sultanate of Sulu sa Lahad Datu, Sabah, Malaysia. Ito ay upang iparating sa pamahalaan ng Malaysia ang kanilang kahilingang kilalanin ang kanilang karapatan bilang tunay na may-ari ng Sabah. Nagtungo mismo si Maki Pulido sa Sabah, Malaysia upang alamin ang mga kaganapan doon. Ano nga ba ang kahihinatnan ng standoff sa Sabah?
"BATANG TANSO"
Ulat ni Jiggy Manicad
Apoy ang kanilang nagsisilbing laruan makuha lang ang tansong kanilang ma-ibebenta. Ganito ang sitwasyon ng ilang kabataang nakilala ng Reporter’s Notebook na sa murang edad, batak na sa paghahanap-buhay. Isang lumang kalakaran na patuloy na bumibiktima sa kanila. Sa tala ng National Statistics Office, umabot na sa tatlong milyon ang kaso ng child labor sa bansa. Ang nakababahala, ayon sa 2012 Maplecroft Child Labor Index, kabilang ang Pilipinas sa mga bansang itinuturing na may “extreme risk” o mapanganib na kaso ng child labor sa buong mundo. Tatlo sa bawat limang batang nasasadlak sa child labor, hazardous o mapanganib ang uri ng trabaho. Sa kabila ng mga batas na pumoprotekta sa mga kabataan, bakit hindi pa rin nasosolusyunan ang problema ng child labor sa bansa?
Huwag palalampasin ang REPORTER’S NOTEBOOK ngayong Martes, ika-5 ng Marso.

More Videos
Most Popular