ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Infographic: Mga batang sangkot sa mapanganib na trabaho


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ayon sa National Statistical Coordination Board o NSCB, 2.99 milyon sa 29 milyong batang edad lima hanggang 17 sa bansa ang sangkot sa hazardous child labor o mapanganib na trabaho.

Kinikilala hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo ang iba't ibang karapatan ng mga bata, tulad ng karapatang magkaroon ng dekalidad na edukasyon, sapat na pagkain, at tirahan. Ngunit tila hindi pa sapat ang tulong mula sa pamahalaan upang maka-ahon sa kahirapan ang mga kabataan.

Sa ikatlong yugto ng SEKTOR, ang ika-8 anniversary special ng programa, siniyasat ng Reporter's Notebook ang mga dahilan kung bakit patuloy na nalulugmok sa kahirapan at nasasangkot sa mapanganib na trabaho ang mga bata sa Pilipinas.

— Ria Landingin/Infographic by Den Fajardo/CM/PF, GMA News