ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Reporter's Notebook: Ang kalagayan ng mga Pilipinong naninirahan sa Sabah


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
ANG PAGLALAYAG SA SABAH: BACKDOOR AT HALAU
REPORTER'S NOTEBOOK
Ulat nina Jiggy Manicad at Maki Pulido
Airing date: March 12, 2013

 
Tinatayang nasa 800,000 ang bilang ng Pilipinong naninirahan sa Sabah ayon sa Department of Foreign Affairs. Sa tala naman ng Commission on Filipino Overseas, halos limandaang libong Pilipino sa Sabah ang walang dokumento. Karamihan sa kanila gumamit ng tinatawag na “backdoor” upang makarating rito.

Taong 2005 nang unang isiwalat ng Reporter’s Notebook ang paggamit ng backdoor sa Tawi-Tawi ng ilan sa ating mga kababayan na nagnanais manirahan at magtrabaho sa Sabah. Makalipas ang walong taon, nagpapatuloy raw ang paggamit ng backdoor papasok ng Sabah.

Pero hindi lahat ng mga nagtungo sa Sabah, maayos ang naging buhay doon. Ilan sa kanila, nahuli at nakulong matapos matuklasang wala silang hawak na dokumento. Nasundan ng Reporter’s Notebook ang pag-deport ng halos tatlong daang Pilipino mula sa Sabah nitong nakaraang linggo. Ang masaklap, ilan sa kanila, nakaranas daw ng pananakit mula sa kamay ng mga Malaysian authorities at maging mga bata kanilang ikinulong.

Sa gitna naman ng kaguluhan ngayon sa Lahad Datu, Sabah, marami sa mga Pilipinong naninirahan doon, napilitang lumikas at pansamantalang iwan ang kanilang tahanan at kabuhayan.
 
Sa isang special report, maglalakbay sina Jiggy Manicad at Maki Pulido patungo sa iba’t-ibang bayan ng Sabah upang alamin ang kalagayan ng mga Pilipinong kasalukuyang naninirahan doon at ang mga Pilipinong pinabalik ng Pilipinas.
 
Huwag palalampasin ang REPORTER’S NOTEBOOK ngayong Martes, ika-12 ng Marso.