ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Reporter's Notebook: Gapos ng Isipan at Trahedya sa Dagat
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
REPORTER'S NOTEBOOK
Airing date: June 18, 2013
TRAHEDYA SA DAGAT
Ulat ni Maki Pulido

Noong nakaraang Biyernes, isa na namang trahedya ang nangyari sa karagatan, ang paglubog ng barkong MV Lady of Carmel habang naglalayag ito patungong Masbate. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, dalawa ang kumpirmadong nasawi, limampu’t lima ang nakaligtas at pito ang patuloy na pinaghahanap ng mga rescuer. Hindi pa rin tiyak kung ano ang naging dahilan ng paglubog ng roro vessel. Isang katanungan kung gaano kaligtas ang pagsakay sa mga barkong gaya ng MV Lady of Carmel. Tinungo ng Reporter's Notebook ang Batangas Port, ang isa sa pinakamalaking roro terminal sa bansa. Paano sinisiguro ang kaligtasan ng mga pasahero ng mga shipping line company at ng mga otoridad?
GAPOS NG ISIPAN
Ulat ni Jiggy Manicad

Nakakulong sa isang maliit na palikuran habang nagsasalitang mag-isa, ganito namin inabutan ang apatnapung taong gulang na si Ricky, hindi niya tunay na pangalan. Kinailangan siyang ikulong ng kanyang ina dahil nananakit na raw siya. Natuklasan kasing may karamdaman sa pag-iisip si Ricky. Pero ang malungkot, maging ang kanyang nakababatang kapatid na si Lorna, nawala rin sa katinuan. Dahil sa kahirapan, hindi nagawang maipagamot ng kanilang magulang ang magkapatid. Nitong Sabado, nabuhayan sila ng pag-asa dahil sa wakas ay madadala na sila sa Davao Mental Hospital, ang nag-iisang mental health facility sa Mindanao. Pero maging ang ospital, malaki ang problemang hinaharap gaya ng kakulangan sa doktor at mga gamot. Nasunog din ang ilang bahagi ng ospital nito lamang nakaraang buwan. Sa ganitong kalagayan, paano nga ba gagaling ang mga may sakit sa isipan?
Huwag palalampasin ang REPORTER’S NOTEBOOK ngayong Martes, ika-18 ng Hunyo pagkatapos ng Saksi.

More Videos
Most Popular