ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Reporter's Notebook: Black Sand Mining and Illegal Logging Trail Special


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
REPORTER’S NOTEBOOK
Airing date: July 23, 2013
 
SPECIAL REPORT:
Black Sand Mining and Illegal Logging Trail Special
Ulat nina Maki Pulido at Jiggy Manicad
 
Sa isang natatanging ulat, maglalakbay sina Maki Pulido at Jiggy Manicad patungo sa iba’t ibang lugar sa pulo ng Luzon upang ibunyag ang mga ilegal na kalakarang nagaganap rito.
 



 
Mayaman ang ilang bayan ng lalawigan ng Cagayan sa black sand o magnetite, isang uri ng mineral na ginagamit sa paggawa ng bakal. Kaya naman, iba’t ibang mining company na pagmamay-ari ng mga banyaga ang binigyan ng permisong magmina rito. Ipinagbabawal naman ang paghuhukay at pagkuha ng anumang buhangin sa mismong dalampasigan o shoreline. Pero nang tinungo ng Reporter’s Notebook ang Cagayan, tumambad sa amin ang mga back hoe at iba pang heavy equipment na ginagamit sa pagmimina sa mismong dalampasigan. Kitang kita rin sa video ng Reporter’s Notebook ang aktwal na pagkuha ng magnetite o black sand mula sa tabing-dagat. Napagalaman ng Reporter’s Notebook na ang ilan sa mga kumpanyang ito, nahainan na ng stoppage order ng Department of Environment and Natural Resources o DENR at ng Office of the Provincial Governor matapos ngang mapatunayang lumabag sa batas at nagmina sa mga prohibited area gaya ng dalampasigan. Pero sa pagbisita ng Reporter’s Notebook sa ilang bayan sa Cagayan, natuklasan namin na ang ilang kumpanyang ito ay patuloy sa operasyon sa mismong tabing-dagat ng ilang bayan sa Cagayan.
 




Sa kabundukan ng Sierra Madre sinasabing matatagpuan ang isa sa pinakamalawak na forest cover sa buong bansa. Katunayan, mahigit apatnapung watershed ang dito matatagpuan. Pero ang nakababahala, ilan sa mga idineklarang watershed, kinalbo na ang kagubatan. Sa pagpunta namin sa Dingalan, Aurora, tumambad sa amin ang isang malaking bahagi ng Sierra Madre na putol na ang mga puno. Nagkalat din sa dinaanan ng Reporter’s Notebook ang mga naputol nang punongkahoy. Kasama naman ang isang grupo mula sa Philippine Army, Philippine National Police at DENR, sinuyod namin ang bahagi ng Sierra Madre sa Rodriguez, Rizal. Dito ilang putol na punungkahoy rin ang na-retrieve ng grupo.
 
Sa kabila ng mga batas na poprotekta sa kalikasan, bakit tila hindi natitigil ang pang-aabuso rito?
 
Huwag palalampasin ang mas pinalawak na pagbabantay sa mga isyu ng lipunan at pamahalaaan sa REPORTER’S NOTEBOOK ngayong Martes, ika-23 ng Hulyo pagkatapos ng Saksi.