ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Solo Parent's Welfare Act at kalagayan ng mga whistleblowers sisiyasatin sa 'Reporter's Notebook'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Reporter's Notebook
Airing Date: September 3, 2013

"Haligi at Ilaw"

Mahigit isang taon na ang nakararaaan nang pumanaw ang asawa ni Melchor dahil sa sakit sa buto. Mula noon, mag-isa na niyang binubuhay at inaalagaan ang apat na anak. Kumikita siya ng dalawang daang piso kada araw sa pangangalakal ng basura.


Pero nitong Enero, panibagong pagsubok ang dumating kay Melchor, ang kanyang panganay na anak na si Abegail, natuklasang may kanser sa buto. Isa lamang si Melchor sa halos labing-apat na milyong Pilipino na mag-isang itinataguyod ang pamilya o mga solo parent, ayon ito sa pag-aaral ng World Health Organization kasama ang University of the Philippines National Institue for Health.

Kung tutuusin may batas naman na magbibigay suporta sa mga gaya ni Melchor, ang Republic Act 8972 o the Solo Parents’ Welfare Act of 2000, pero ang problema hindi naman raw nakararating ang tulong sa mga gaya niyang mahirap. Alam ba ninyo, halimbawa, na mayroong solo parent card na magbibigay dapat ng diskwento sa mga solo parent? Abangan ang iba pang natuklasan ng Reporter’s Notebook.


"Whistleblowers"

Isiniwalat nila ang iba’t ibang anomalya at katiwalian na kinasangkutan umano ng ilang nanunungkulan sa pamahalaan. Si Sandra Cam, isiniwalat ang tungkol pagtanggap umano ng ilang matataas na opisyal ng jueteng payola. Si Jun Lozada, ibinulgar naman ang maanomalya umanong NBN-ZTE deal sa ilalim ng nakaraang administrasyon. At si retired Lt. Col. George Rabusa, isiniwalat ang nangyayaring pabaon system umano sa ilang opisyal ng Armed Forces of the Philippines. Sa pagputok ng bagong isyu ng pork barrel scam, ilang whistleblowers ang lumabas na nagsasangkot kay Janet Lim-Napoles at ilang mambabatas sa umano’y katiwalian sa pork barrel. Pero ano nga ba ang kahahantungan ng mga isiniwalat ng mga tinaguriang whistleblowers?

 
Huwag palalampasin ang mas pinalawak na pagbabantay sa mga isyu ng lipunan at pamahalaaan sa REPORTER’S NOTEBOOK ngayong Martes, ika-3 ng Setyembre pagkatapos ng Saksi.