ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Binhi ng Kahirapan' tampok sa Reporter's Notebook
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sa “Sektor: Magsasaka”, sisiyasatin ng Reporter’s Notebook ang dahilan kung bakit patuloy na nalulugmok sa kahirapan ang mga magsasaka. Sumabay sa paglalakbay mula Luzon, Visayas at Mindanao upang tuklasin ang kanilang tunay na kalagayan. Mula sa mga magsasaka ng niyog sa Quezon, mga sakada sa Negros Occidental, hanggang sa mga magsasaka ng palay sa Zamboanga del Sur, isa-isang dadayuhin nina Jiggy Manicad at Maki Pulido ang bawat lugar upang alamin ang kalagayan ng mga taong kumakayod para sa ating pagkain.

Ilang malalaking programa at proyekto na ang ipinatupad ng mga nagdaan at kasalukuyang administrasyon upang maiangat ang kalagayan ng mga magsasaka. May mga guminhawa na ang sitwasyon, pero hanggang ngayon, marami pa rin ang lugmok sa kahirapan. Habang ang mga kamay nila ang naglalagay ng pagkain sa ating hapag, marami naman sa kanila ang walang maihain sa kanilang mga pamilya.
Isa rin ang sektor ng mga magsasaka sa mga paulit-ulit na nababanggit bilang mga benepisyaro umano ng PDAF o pork barrel. Pero sa milyun-milyong halaga na lumabas mula sa kaban ng bayan, bakit hindi pa rin nagbabago ang buhay ng mga maralitang magsasaka?

REPORTER’S NOTEBOOK ngayong Martes, Setyembre 10, 11:30 ng gabi pagkatapos ng Saksi.

More Videos
Most Popular