ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Sa gitna ng krisis at ang industriya ng Cybersex
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
REPORTER’S NOTEBOOK
Airing date: September 24, 2013
SA GITNA NG KRISIS
Ulat ni Jiggy Manicad


Mahigit dalawang linggo na mula nang magsimula ang bakbakan sa pagitan ng mga rebeldeng Moro National Liberation Front o MNLF-Misuari Faction at mga sundalo sa Zamboanga City. Mula sa mga unang araw ng kaguluhan, nasaksihan mismo ni Jiggy Manicad at ilang miyembro ng media ang hirap na dinanas ng libo-libo nating kababayan na naipit sa kaguluhan. Maging ang mga volunteer na tutulong sana sa mga sugatan at biktima ng krisis, hindi nakaligtas sa pagsalakay ng mga rebelde. Gaano katagal bago tuluyang makabangon ang mga apektado ng krisis sa Zamboanga? Paano mapananagot ang mga sangkot sa kaguluhan?


CYBERSEX
Ulat ni Maki Pulido

Isang lihim na kalakaran na patuloy na bumibiktima sa maraming kabataan ang mga cybersex den na nagkalat sa bansa. Ang masaklap sa ilang kaso, ang mismong mga magulang ang nagpapasok sa kanila sa ilegal na kalakaran. Katunayan sa pag-aaral ng End Child Prostitution and Child Pornography o ECPAT, lumalabas na apatnapung porsyento sa mga kaso ng cybersex, sangkot mismo ang mga kaanak sa operasyon. Isa ang Cebu City sa mga itinuturing na hotspot ng child prostitution sa bansa. Kasama ang National Bureau of Investigation at Department of Social Welfare and Development o DSWD, naidokumento ng Reporter’s Notebook ang pagsagip sa ilan sa mga biktima. Sa kabila ng mga batas na nagbabawal sa ganitong uri ng prostitusyon, bakit nagpapatuloy pa rin ito?
Huwag palampasin ang mas pinalawak na pagbabantay sa mga isyu ng lipunan at pamahalaaan sa Reporter's Notebook ngayong Martes, ika-24 ng Setyembre pagkatapos ng Saksi.
More Videos
Most Popular