ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Reporter's Notebook,' natuklasan ang sistema ng korapsiyon sa agrikultura


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
BUTIL NG GINTO
Corruption Trail in Agriculture
Reporter’s Notebook Special Report
Ulat nina Jiggy Manicad at Maki Pulido
January 14, 2014
11:30PM sa GMA-7

 

 

 
Ayon mismo sa National Anti-Poverty Commission, para umunlad ang bansa, kailangang bigyang prayoridad ang pagpapasigla ng ating agrikultura. Kapag napaunlad kasi ito, mas magkakaroon ng trabaho ang marami sa ating mga kababayan kasabay din ng paglago ng ating ekonomiya. Ang isa pang magandang maidudulot nito, mababawasan ang mga kababayan natin na pumupunta sa mga urban areas gaya ng Metro Manila upang dito maghanap-buhay.
 
Pero sa mga nakalipas na taon, hindi naman ganito ang nangyayari. Bagamat milyun-milyon ang ibinubuhos na pondo para sa kanilang sektor, tila kasabay naman nito ang iba’t-ibang scam o modus na ginagawa ng ilang mapanamantala. Ang resulta, mas lalo silang nalulugmok sa kahirapan. Katunayan, ang mga magsasaka ang itinuturing na pangalawa sa pinakamahirap na sektor sa bansa ayon na rin sa ulat mismo ng NSCB noong 2009.


 

 
Sa pagsilip ng Reporter’s Notebook sa mga Commission on Audit report mula taong 2004 hanggang 2012, iba pang uri ng pananamantala at pagnanakaw sa kaban ng bayan ang aming natuklasan.
 
Ano nga ba ang ginagawang paraan ng ilang mapanamantala para makalusot ang ganitong uri ng panloloko? Bakit nga ba ganoon na lang kadali para sa ilang tiwaling opisyal na nakawin ang pondo na para sana sa mga magsasaka?
 
Huwag palalampasin ang mas pinakalawak na pagbabantay sa mga isyu ng bayan at pamahalaan. Abangan ang “BUTIL NG GINTO” sa Reporter’s Notebook ngayong Martes, ika-14 ng Enero, 11:30PM pagkatapos ng Saksi sa GMA-7.