ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Kabataang nasa peligrosong trabaho, tampok muli sa 'Reporter's Notebook'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
February 11, 2014
MGA KWARIDOR NG CAGAYAN DE ORO
Ulat nina Maki Pulido at Jiggy Manicad

Sa Barangay Consolacion sa Cagayan de Oro City, natagpuan ng Reporter’s Notebook ang isang komunidad na ang ikinabubuhay ay ang pag-quarry ng buhangin sa ilog. Ilan sa kanila ay mga kabataan. Isa ang labinlimang taong gulang na si Beljohn sa mga nakilala namin. Kasama ang kanyang ama at iba pang mga kaibigan, sinisisid nila ang Cagayan de Oro River na may lalim na labinlimang talampakan para makakuha ng buhangin. Mabigat at delikado ang kanilang hanapbuhay dahil wala silang anumang gamit at proteksiyon sa pagsisid. Nasa sampung kilo din ang binubuhat nilang timba mula sa ilalim ng ilog paakyat sa kanilang mga bangka.
Hindi na rin nakapagpatuloy sa pag-aaral si Beljohn dahil araw-araw ang ginagawa nilang hanapbuhay. Ang isangdaan at pitumpung piso na kinikita nila kada araw, pantustos sa pagkain nila at pambaon din ng lima pa niyang kapatid na nag-aaral sa elementarya. Gusto man daw nilang itigil ang ganitong uri ng kabuhayan, wala silang magawa dahil hindi pa sila nabibigyan ng alternatibong kabuhayan ng lokal na pamahalaan.

Hindi na bago ang isyu ng mabigat na kondisyon sa mga lokal na industriya at ng child labor sa bansa. Katunayan, sa pag-aaral ng International Labour Organization, may iba pang industriya na mga bata rin ang naghahapbuhay. Kabilang na rito ang sektor ng agrikultura, pagmimina at mga pagbrika. Iba-ibang mukha ng child labor pero pare-pareho ang dinaranas ng mga bata.
Huwag palalampasin ang mas pinakalawak na pagbabantay sa mga isyu ng bayan at pamahalaan. Abangan ang Reporter’s Notebook ngayong Martes, ika-11 ng Pebrero pagkatapos ng Saksi.

Tags: prstory, childlaborers
More Videos
Most Popular