ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Pagtutol ng mga taga-Eastern Samar sa mining, tampok sa 'Reporter's Notebook'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

March 4, 2014
SA LIKOD NG MGA ISLA
Ulat ni Jiggy Manicad

Sa isang video na nakalap ng Reporter's Notebook, makikita ang tila pagsagasa ng isang payloader sa ilang taong nagbabarikada. Dinig ang palahaw ng mga tao at iyak ng ilang mga bata. Sugatan ang ilan sa mga residente.
Sa aming pananaliksik, natuklasan naming nangyari ang insidente sa Isla ng Homonhon sa bayan ng Guiuan, Eastern Samar. Nagbarikada ang ilang residente dahil hindi na raw nila matiis ang masamang epekto ng ginagawang pagmimina ng nikel sa kanilang lugar. Nagsampa ng kaso ang mga residente laban sa mining company, pero dahil sa paghagupit ng bagyong Yolanda, nasira at nawala lahat ng papeles sa piskalya.

Tatlong oras mula sa Isla ng Homonhon, mararating naman ang isla ng Manicani sakop pa rin ng bayan ng Guiuan. Itinigil na ang pagmimina sa lugar pero ang problema, naiwang nakatiwangwang ang kinalbo at tinapyas na bahagi ng bundok na pinagminahan. Ang resulta, umaagos sa ilog at ilang katubigan ang putik na nakaaapekto sa kabuhayan ng mga residente. Paano masosolusyunan ang idinadaing na problema ng mga taga Isla Homonhon at Manicani?
Huwag palalampasin ang mas pinakalawak na pagbabantay sa mga isyu ng bayan at pamahalaan. Abangan ang kwento “SA LIKOD NG MGA ISLA”, ngayong Martes, ika-4 ng Marso pagkatapos ng Saksi.
More Videos
Most Popular