ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Reporter's Notebook', mas pinaaga na sa bago nitong araw at oras


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Simula Mayo 29, 2014, mapapanood na ang "Reporter's Notebook" tuwing Huwebes, alas-kuwatro ng hapon pagkatapos ng "Innamorata" sa GMA-7. Bahagi ang paglipat na ito sa #KuwatroAlasKuwatro strip ng GMA Public Affairs tuwing hapon. Bisitahin ang official Facebook page ng Reporter's Notebook para sa mga updates.





May 29, 2014
AGAW-BUHAY
Reporter’s Notebook Special Report

 
Kung mahirap kang Pilipino, naranasan mo nang pumila, makipagsiksikan at maghintay ng ilang oras sa ospital para lamang makakuha ng kinakailangang atensyong medikal. Ang mga nakunan at naabutan naming eksena sa isang pampublikong ospital dito sa Maynila, patunay lamang sa malubha at tila naghihingalong sitwasyon ng serbisyong medikal sa bansa.


 
Tatlong araw nang naghihintay sa tapat ng isang pampublikong ospital si Estrella Chavenia, tatlumpu’t apat na taong gulang. Stage three, cervical cancer ang iniindang karamdaman ni Estrella. Kapansin-pansing naninilaw na ang kanyang balat at namamanas na rin ang kaniyang mga binti. Pero sa halip na magamot sa loob ng ospital, napilitan raw silang lumabas ng ospital dahil sa kawalan ng pambayad sa mga kinakailangan niyang gamot at dugo.
 
Nakilala rin namin sa labas ng ospital si Rhea Baluran, dalawampu’t dalawang taong gulang, at nagdadalang-tao. Pumutok na ang kaniyang panubigan pero hindi pa rin siya naipapasok sa loob ng ospital. Labing-isang pampublikong osital na raw ang pinuntahan nila pero lahat tinanggihan sila.
 


Mula nang pumasok ang kasalukuyang administrasyon, taun-taong tumataas ang pondo para sa kalusugan. Pero ang masaklap na katotohanan, maging dito mismo sa sentro ng bansa, ang Metro Manila, tila hindi pa rin ito nararamdaman.
 
Huwag palalampasin ang mas pinatatag at mas pinalawak na pagbabantay sa mga isyu ng lipunan at pamahalaan. Abangan ang Reporter’s Notebook sa bago nitong araw, Huwebes, alas kuwatro ng hapon pagkatapos ng Innamorata.
Tags: prstory