Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Siksikan sa mga kulungan, sisiyasatin ng 'Reporter's Notebook'






July 3, 2014
SIKSIK, LIGLIG AT UMAAPAW?
Reporter’s Notebook Special Report


Mainit, siksikan at magkakasama ang mga may karamdaman?ganito ang sitwasyong inabutan ng "Reporter’s Notebook" sa mga selda ng Taclocan City Jail sa Leyte.  Ang detention center na may kapasidad lamang na 121 na bilnaggo, ngayon ay naglalaman ng 635 katao.  Kaya naman tila doble parusa ang dinaranas ng mga nakadetine rito gaya ni Mang Amado Tanega, animnapu’t apat na taong gulang.  Mayo nitong taon nang matuklasang may tuberculosis si Mang Amado.  Sa kabila ng kanyang kondisyon, kasama niya sa selda ang tatlumpung detainee.  Dahil hindi na kasya sa mga selda, ang ilang nakakulong, sa mga pasilyo na natutulog. Hindi pa rin lubusang naisasaayos ang Tacloban City Jail mula nang mapinsala ito sa hagupit ng Bagyong Yolanda.





Hindi nag-iisa ang Tacloban City Jail sa mga siksikang kulungan.  Katunayan, sa tala ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP, 314 sa 415 na kulungan sa buong bansa ang maituturing na congested o sobra-sobra ang bilang ng mga nakakulong.
 
Samantala, naging balita naman ang pagpuna ng ilan tungkol sa mga detention cell na inihanda para sa mga personalidad na sangkot diumano sa pork barrel scam.  Maaasahan rin ba ng mga ordinaryong tao ang maayos na kalagayan sa loob ng piitan?

Huwag palalampasin ang mas pinatatag at mas pinalawak na pagbabantay sa mga isyu ng lipunan at pamahalaan.  Abangan ang Reporter’s Notebook sa bago nitong araw, Huwebes, alas kuwatro ng hapon pagkatapos ng Dading.