ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Danger zones sa Metro Manila at karatig bayan, sisiyasatin sa 'Reporter's Notebook'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

July 17, 2014
DANGER ZONES
Reporter’s Notebook Special Report
Tag-ulan na naman! Pahirapang paglusong sa malalalim na tubig-baha, usad-pagong na daloy ng trapiko at kalbaryong paglikas sa mga tahanan na nasa mga danger zone—ilan lang sa mga eksenang nararanasan ng marami sa pagbuhos ng malakas na ulan dulot ng bagyong Glenda. Pero bakit nga ba tila hindi mahanapan ng solusyon ang paulit-ulit na problemang ito?
Tinunton ni Jiggy Manicad ang ilan sa mga estero at ilog na dapat sana ay magiging daluyan ng tubig-ulan patungo sa Manila Bay. Unang pinuntahan ang Estero de Pandacan. Pero ang nadatnan dito, mga bahay na nasa ilalim mismo ng tulay, estero na puno ng basura at ang mas nakababahala, natabunan na pala ng mga gusali at mga bahay ang dulo ng estero kaya wala nang madaluyan ang tubig.


Una nang sinabi ng pamahalaan noong nakaraang taon na ililikas ang dalawampung libong pamilya na nakatira sa mga danger zone sa Metro Manila pa lamang. Pero makalipas ang isang taon, anim na libong pamilya pa lang ang naililipat ayon sa Center for Disaster Preparedness. Ang ilang flood-control project, hindi pa rin natatapos hanggang ngayon.
Bakit nga ba hindi pa rin nabibigyang katuparan ang komprehensibong flood control master plan na dapat sana ay pipigil sa pagbaha sa Metro Manila at kalapit bayan nito?
Huwag palalampasin ang mas pinatatag at mas pinalawak na pagbabantay sa mga isyu ng lipunan at pamahalaan. Abangan ang Reporter’s Notebook sa bago nitong araw, Huwebes, alas kuwatro ng hapon pagkatapos ng Dading.
More Videos
Most Popular