ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Pagmimina sa Zambales, sisiyasatin ng 'Reporter's Notebook'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


August 7, 2014
Pagmimina sa Zambales
Reporter’s Notebook
Sa bayan ng San Marcelino sa Zambales, inabutan ng "Reporter’s Notebook" ang isang grupo ng mga katutubong Aeta na abala sa pag-iipon ng black sand o magnetite sa isang ilog sa paanan ng Bulkang Pinatubo. Umuulan man noong araw na iyon, patuloy sila sa pagmimina gamit ang malalaking magnet o bato balani.
Kabilang sa mga inabutan namin si Mang Boy, apatnapung taong gulang. Madalas ay kasama ni Mang Boy sa pag-iipon ng black sand ang kanyang asawa na si Geraldine at ang kanilang dalawang anak na sina Bacho at Caloy. Maliit man ang pangangatawan ng dalawang bata, pilit nilang binubuhat ang mga magnet at buong lakas nilang pinipigilan ang mabilis na agos ng tubig makaipon lang ng black sand. Buong araw nila itong ginagawa, umulan man o umaraw.
Pero kung gaano kahirap ang ginagawang pagmimina ng pamilya ni Mang Boy, kabaligtaran naman ang halagang ibinabayad sa kanila. Dahil ang bawat isang kilo ng black sand, binabayaran lang ng mining company ng apatnapung sentimo. Ibig sabihin upang kumita ng isang libong piso, kailan nilang maka-ipon ng animnapung sako ng black sand o halos tatlong libong kilo nito. Paano nga ba makakaasa ng mas patas na kita at mabuting kabuhayan ang mga katutubong Aeta?
Huwag palalampasin ang mas pinatatag at mas pinalawak na pagbabantay sa mga isyu ng lipunan at pamahalaan. Abangan ang Reporter’s Notebook sa bago nitong araw, Huwebes, alas kuwatro ng hapon pagkatapos ng Dading.
More Videos
Most Popular