ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kalagayan ng mga evacuees dahil sa Bulkang Mayon, sisiyasatin sa 'Reporter's Notebook'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
BULKANG MAYON
October 9, 2014



Sa mga nakalipas na linggo, patuloy ang pag-alburoto ng bulkang Mayon. Noong September 15, itinaas na sa alert level 3 ang bulkan.  Ito ay matapos makapagtala ng rockfall o pagbagsak ng mga bato at paglindol sa paligid ng bulkan. Tumataas rin daw ang magma sa crater ng bulkang Mayon. Mga senyales na maaari itong pumutok anumang oras ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Philvolcs.
 
Sa pagtataas ng alert level 3, kaagad na rin nagsagawa ang mga otoridad ng forced evacuation sa mga nakatira sa six-kilometer radius permanent danger zone.Nagdeklara na rin ng state of calamity sa buong lalawigan ng Albay. Umabot na sa mahigit limampung libong katao ang inilikas dahil sa nagbabantang panganib.



Isa ang Mauraro High School sa mga nagsisilbing evacuation center sa Guinobatan, Albay. Umabot na sa halos dalawang libong katao ang pansamantalang nakatira rito.



Dito nakilala ni Jiggy Manicad si Jean Odoño, dalawampu’t tatlong taong gulang. Agosto ng taong ito nang matuklasang may tubig raw sa baga si Jean pero dahil hindi na muling nakapagpatingin sa doktor, hindi pa rin tukoy ang kaniyang tunay na karamdaman. Bukod sa payat na pangangatawan, namamaga rin ang kaniyang mga paa kaya naman halos buong araw lang siyang nakaratay dito sa banig. Pero dagdag pasakit sa kaniya ang siksikan kondisyon nila sa evacuation center. Sa tinutuluyan nilang silid halimbawa, ay umaabot sa walumpung katao ang pansamantalang naninirahan.



Alamin ang mga paghahandang ginagawa ng mga kinauukulan bago pa man mangyari ang pagputok ng bulkan at kumustahin ang kalagayan ng mga apektadong residente.
 
Huwag palalampasin ang mas pinatatag at mas pinalawak na pagbabantay sa mga isyu ng lipunan at pamahalaan. Abangan ang Reporter’s Notebook, Huwebes, 4:25 ng hapon.