ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga taong walang kasilyas sa 'Reporter's Notebook'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Reporter's Notebook
Huwebes, 27 November 2014
4:25 PM sa GMA-7

Ayon sa United Nations, nasa dalawampu’t anim na milyong Pilipino ang wala pa ring maayos na palikuran o kubeta. Nakababahala ito dahil sa ilang pagkakatoon, nagiging sanhi ang kawalan ng maayos na palikuran ng pagkakasakit ng mga residente.

Ang probinsya ng Masbate ang may pinakamalalang problema at kakulangan sa sanitary toilet ayon mismo sa UNICEF. Nagtungo si Jiggy Manicad sa Masbate upang alamin kung bakit hindi pa rin nasosolusyunan ang problemang ito.

Isa sa mga nakilala ng Reporter’s Notebook ang pamilya ni Anabelle Villamor, may anim na anak. Sa baybaying dagat o sa mga halamanan sa likod ng kanilang bahay sila dumudumi. Madalas daw ay nagkakasakit ng diarrhea ang kanyang mga anak. Ayon kay Anabelle, may mga bulate rin sila sa kanilang mga tiyan. Ang tubig na iniiom kasi nila galing sa balon kaya hindi raw malayong magkaroon ito ng kontaminasyon ng dumi.  Pero hindi nag-iisa ang kaso nina Anabelle. Dahil sa animnapu’t anim na pamilya sa kanilang Sitio, sampu lang ang may palikuran o kubeta.
 
Kasabay ng paggunita sa World Toilet Day, alamin kung ano ang hirap na dinaranas ng ating mga kababayang walang kasilyas.
 
Huwag palalampasin ang mas pinatatag at mas pinalawak na pagbabantay sa mga isyu ng lipunan at pamahalaan. Abangan ang Reporter’s Notebook, Huwebes, 4:25 ng hapon pagkatapos ng Ang Lihim ni Annasandra.
Tags: prstory, un, unicef