ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Anak ng Ginto' at 'Hagupit ni Ruby,' tampok sa 'Reporter's Notebook'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Huwebes, 11 December 2014
4:25 PM sa GMA-7


ANAK NG GINTO
Ulat ni Jiggy Manicad




Dapat ay nasa paaralan sina Jovert at Paulo, parehong labing-anim na taong gulang at nasa grade eight. Pero sa halip na nag-aaral, inabutan sila ng Reporter’s Notebook na papasok sa malalalim at madidilim na tunnel o butas sa bayan ng Aroroy, Masbate. Pakay nilang makapagmina ng ginto. Sampung taong gulang sila nang matutong magmina. Delikado ang gawaing ito, dahil anumang oras maaaring gumuho ang lupa sa ilalim. Minsan nang naranasan ito ni Jovert at ng kaniyang ama. Sa kasamaang palad, hindi nakaligtas ang kaniyang ama sa pagguho ng lupa sa pinasukan nilang butas.




Pero bukod sa pagsuong sa mga tunnel, peligroso rin ang paggamit nila ng mercury o asoge sa pagluluto ng ginto. Ayon sa ilang pag-aaral, maaaring malason kapag nasobrahan ng mercury ang katawan ng isang tao. At sa kauna-unahang pagkakataon, ipapasuri ng Reporter’s Notebook sina Jovert at Paulo upang malaman kung anong level ng mercury o asoge ang makikita sa kanilang murang katawan.

HAGUPIT NI RUBY
Ulat ni Maki Pulido




Super typhoon, ganito inilarawan ng PAGASA at ng US Joint Typhoon Warning Center ang bagyong Ruby na mayroong international name na Hagupit. Bago pa man manalasa ang bagyo, pinalikas na ang may apat na daang libong pamilya sa mga lugar na tatamaan ng bagyo. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, mahigit sampu ang naitalang binawian ng buhay at mahigit apatnapu ang sugatan. Umabot naman sa mahigit isang bilyon ang naitalang halaga ng pinsala. Tinungo ng Reporter’s Notebook ang ilang lugar na nakaranas ng bagsik ng bagyong Ruby. Tinutukan din ang ginawang pagtugon ng pamahalaan sa muling pagdating ng kalamidad.

Huwag palalampasin ang mas pinatatag at mas pinalawak na pagbabantay sa mga isyu ng lipunan at pamahalaan. Abangan ang Reporter’s Notebook, Huwebes, 4:25 ng hapon pagkatapos ng 'Ang Lihim ni Annasandra.'