ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Back to school
Episode on June 5, 2007 Tuesday late night after Saksi Education is supposed to be a right, not a privilege, but some public schools are reportedly turning away students who canât pay. The Department of Education notes that only three of 10 students who finish elementary go on to complete their college education. Reporter Tina Panganiban-Perez asks why education has seemingly become more of a privilege than a right. Reporter Maki Pulido features students who complain of discrimination at school. These include Muslim students not allowed to enroll by some schools and even some children turned away because they come from broken families. The quality of education in the country seems to be on the decline. In the 2006 Times Higher Education Supplement (THES) world rankings, only four Philippine universities made it to the top 500. The University of the Philippines was ranked 299th, De La Salle University at 392nd, Ateneo de Manila University at 484th and the University of Santo Tomas at 500th. In the 2006 Jiang Shang Hai world rankings, no Philippine university made it to the top 500. Reporter Mark Salazar asks, if the countryâs best-known universities donât rank that high, what could be the state of the rest of the universities? Watch these Reporterâs Notebook stories on June 5, Saturday late night after Saksi, on GMA-7
Karapatan o Pribilehiyo? Tina Panganiban-Perez Karapatan ang edukasyon para sa lahat ng kabataan. "Compulsory" o nararapat ayon sa ating Saligang Batas. Pero tila hindi ito ang nangyayari. Ang sinasabing libreng edukasyon, may bayad na raw at ang ilang pampublikong eskwelahan, ayaw umanong tanggapin ang mga batang walang pambayad. Sa pinakahuling tala ng Dep-Ed, tatlo sa bawat sampung mag-aaral lang na nag-aaral sa elementarya ang nakatutuntong ng kolehiyo. Samantalang pataas naman ang bilang ng mga hindi nakakapag-aaral dahil wala silang perang pangmatrikula. Paano tila naging isang pribilehiyo na ang pag-aaral? Diskriminasyon sa Edukasyon Maki Pulido Pantay-pantay dapat ang pagtingin sa lahat ng mag-aaral. Pero ang ilan, nakararanas umano ng pangmamata o di kaya'ay pang-aalispusta dahil sa kanilang katayuan sa buhay. Ang ibang Muslim na kabataan, ayaw tanggapin sa ilang eskuwelahan habang ang ilang hiwalay ang mga magulang, hindi raw puwede sa ibang paaralan. Hindi na ba para sa lahat ang karapatang makapag-aral? Big Four Mark Salazar Tila patuloy na lumalala ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. Sa 2006 Times Higher Education Supplement (THES) World University Rankings, apat lang sa mga unibersidad ng Pilipinas ang pumasok sa prestisyosong top 500 list. Ang UP na pang-299, La Salle na nasa 392, Ateneo bilang pang-484, at UST na pang-500. Sa 2006 Jiang Shang Hai list naman, ni hindi pumasok sa top 500 ang sinasabing top four. Kung ang mga kinikilala nating magagandang unibersidad ay hindi angat sa pandaigdigang pagtingin, ano na ang kahihinatnan ng edukasyon sa ating bansa? Panoorin ang mga kuwentong ito ng Reporter's Notebook sa ika-5 ng Hunyo, Sabado ng gabi pagkatapos ng Saksi, sa GMA-7.

Tags: reportersnotebook
More Videos
Most Popular