ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Kalbaryo ng mga estudyante sa Isla Libucan, sisiyasatin sa 'Reporter's Notebook'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
KALBARYO SA ISLA LIBUCAN
June 11, 2015

Araw-araw, kailangang magsagwan ng kanyang bangka si Francis Panis, labing tatlong taong gulang, para makapasok ng paaralan sa isla ng Libucan, Barangay Oeste sa bayan ng Tarangnan sa Western Samar. Makailang-ulit na nga raw tumaob ang kanyang bangka lalo na tuwing malakas ang alon. Pero balewala ito dahil importante para sa kanya ang makatapos ng pag-aaral.

Pero umpisa pa lang ito ng kalbaryong kailangang tiisin ni Francis para makapag-aral. Dahil pagdating sa pinapasukang paaralan na Oeste National High School, hindi sa isang silid kundi sa isang tolda ginagawa ang kanilang klase. Walang upuan at mesa. Ang ilan sa mga estudyante, nagkaklase na lang sa ilalim ng mga puno. Wala naman daw silang magawa dahil hanggang ngayon, hindi pa rin sila napapatayuan ng karagdagang silid-aralan. Dati na raw nilang problema ito bago pa man manalasa ang super typhoon Yolanda.

Ayon sa datos ng Department of Education o DEPED, nakapagpatayo na ito ng mahigit isang daan at apatnapung libong silid-aralan sa mga pampublikong paaralan sa elementarya at sekondarya sa buong bansa mula taong 2010 hanggang 2015. Pero sa kalagayan ng ilang paaralan gaya ng Oesta High School, malinaw na marami pa rin ang kakulangan. Hanggang kailan sila magtitiis sa ganitong kalagayan?

Tags: plug
More Videos
Most Popular