ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Kahandaan ng Pilipinas sa 'The Big One,' sisiyasatin ng 'Reporter's Notebook'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

BANTA NG PAGYANIG
Reporter’s Notebook Special Report
August 6, 2015
Dalawampu’t limang taon na ang nakalilipas mula nang tumama ang killer quake sa Luzon na kumitil sa buhay ng mahigit isang libo at anim na daang tao noong July 16, 1990. Pinabagsak ng lindol ang maraming istruktura lalo na sa lungsod ng Baguio. Babalikan ng Reporter's Notebook ang kwento ng mga nakaligtas at ang mga aral na natutunan mula sa trahedya.
_2015_08_05_16_10_49_1.jpg)
_2015_08_05_16_10_49_2.jpg)
Kung ang Baguio City napapaligiran ng mga fault line, maging ang Metro Manila binabagtas ng mga fault line. Ito ang West Valley Fault na may habang siyamnapung kilometro at tumatagos mula sa Bulacan, Metro Manila hanggang sa Laguna. Ang mga fault line ay malalaking bitak sa lupa na kapag gumalaw ay maaaring magdulot ng pagyanig sa ibabaw nito.
_2015_08_05_16_10_49_3.jpg)
_2015_08_05_16_10_49_4.jpg)
Ayon sa pag-aaral na ginawa ng Japan International Cooperation Agency, kasama ang PHIVOLCS at MMDA, tinatayang nasa 34,000 katao ang pwedeng masawi kapag tumama ang 7.2 magnitude na lindol sa Metro Manila.
_2015_08_05_16_10_49_6.jpg)
_2015_08_05_16_10_49_5.jpg)
Nito lamang nakaraang linggo, isinagawa ang Metro Manila Shake Drill upang paghandaan ang sinasabing "the big one." Handa nga ba tayo para sa isang malakas na lindol?
Huwag palalampasin ang “Banta ng Pagyanig” ngayong Huwebes, 4:45 ng hapon pagkatapos ng Healing Hearts.
More Videos
Most Popular