ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kalagayan ng bawat pamilya sa Tacloban City, sisiyasatin ng 'Reporter's Notebook'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.



 
DALAWANG TAON NG KALBARYO
Reporter’s Notebook Special Report
August 20, 2015




 
Sa edad na labing-isa, kinailangan nang makipaglabada ni Angelica. Ang kita niya kasing singkwenta pesos sa paglalabada, malaking tulong para sa kanilang pamilya. Bulag ang mga magulang ni Angelica na sina Joseph at Winife. Kabilang ang kanilang pamilya sa halos limang daang pamilyang naninirahan sa mga bunkhouse sa Barangay 95 Caibaan, Tacloban City. Bago manalasa ang bagyong Yolanda, nagtatrabaho bilang massage therapist ang mga magulang ni Angelica pero natigil ito pagkatapos ng trahedya. Dahil walang kabuhayan, hirap silang makabili ng pagkain.  Napilitan na ring tumigil sa pag-aaral si Angelica.






 
Si Lolo Emiliano Etong, animnapu’t walong taong gulang, araw-araw na kailangang maglakad ng malayo para mag-igib ng tubig. Marami kasi sa mga tubo ng tubig sa bunkhouse, palyado at hindi na mapakinabangan. Malaking pasakit din para sa mga nakaligtas sa bagyong Yolanda ang mga baradong palikuran.



 
Isa ang tabing dagat sa Barangay Anibong sa mga itinuturing na danger zone. Dito rin kasi sa lugar na ito pinakamaraming namatay sa pananalasa ng bagyo. Dapat ay wala nang nakitira rito. Pero sa pagbabalik ng Reporter’s Notebook, dumami pa ang mga napilitang magtayo ng mga bahay dito. Daing nila, hanggang ngayon kasi wala pa ring ibinibigay sa kanilang permanente at ligtas na malilipatan. Ang tanong nila, nasaan ang bilyon-bilyong pisong inilaan para sa mga gaya nilang nabiktima ng trahedya? Ilan na nga ba ang naitayong pabahay para sa kanila? Halos dalawang taon matapos ang bagyong Yolanda, bakit marami pa rin sa kanila ang nahihirapang makaahon?
 





 
Huwag palalampasin ang “Dalawang Taon ng Kalbaryo” ngayong Huwebes, 4:45 ng hapon pagkatapos ng Healing Hearts.