Mapanganib na uri ng child labor sa bansa, sisiyasatin ng 'Reporter's Notebook'

SIKLO NG KAHIRAPAN
October 29, 2015

Kabilang sina Warren at Wendell sa 2.9 milyong mga batang Pilipino na nasasadlak sa mapanganib na uri ng child labor sa bansa. Iba't iba ang diskarte ng magkapatid para lang maitawid ang bawat araw at malamnan ang kumakalam na tiyan. Isa na rito ay ang pangangalakal at pagsisid sa malaburak na ilog sa Kalentong, Manila.


Dahil sa hirap ng buhay, hindi na makuhang mangarap nina Warren at Wendell na tila nilamon na ng walang katapusang siklo ng kahirapan. Ayon sa eksperto, kakulangan ng edukasyon ang ugat ng paikot ikot na realidad na ito. Anu-ano nga ba ang ginagawa ng ating gobyerno at iba't ibang sektor para tuluyan nang maputol ang siklo na ito at manumbalik ang mga pangarap ng mga kabataang nasasadlak sa mapanganib na mga trabaho?
Huwag palalampasin ang Reporter’s Notebook ngayong Huwebes ng hapon, pagkatapos ng Destiny Rose.