Maliliit na negosyanteng nabubuhay sa utang, tampok sa 'Reporter's Notebook'

"Lubog sa Utang"
January 21, 5:20 PM
Sa pag-aaral ng World Bank, labing-apat na porsyento ng kabuuang populasyon o nasa sampung milyong Pilipino noong 2014 ang may utang sa mga informal lender o mga nagpapautang na hindi lisensyado.
_2016_01_21_11_50_47.jpg)
_2016_01_21_11_49_19.jpg)
Bago pa man magsimula ang araw ng marami, abala na si Connie Bangeles sa paghahanda ng kanyang maliit na tindahan. Para malamnan ito, sa utang nanggagaling ang kanyang ginagastos. Mula sampung libong pisong utang, lumobo na sa mahigit limampung libong piso ang utang ni Connie sa limang nagpapalending o nagpapautang. Naabutan pa namin ang paniningil ng isang nagpapautang kay Connie. Tinawag na 5-6 ang kilalang sistema ng pagpapautang dahil maliban sa kabuuang halaga, karaniwang may dagdag itong dalawampung posyentong interes sa kailangang mabayaran. Halimbawa, kung uutang ka ng limang libo, isang libo ang 20% interest nito kaya suma total, anim na libo ang kailangang mabayaran sa ilang buwan na mapapagkasunduan.
_2016_01_21_11_51_32.jpg)
Kung perwisyo ang traffic para sa mga driver at mga commuter, ito naman ang sitwasyong pabor sa mga street vendor gaya ni Mang Danny Bunda. Mahigit tatlumpung taon na siyang nakikipagpatintero sa mga sasakyan para magbenta ng mani, fish cracker at tubig. Gaya ni Connie, sa utang rin kumukuha ng pampuhunan si Mang Danny. Sa kita niya na isang libong piso kada linggo, pitong daan at limampung piso ang ibinabayad niya sa pinagkakautangan.
_2016_01_21_11_47_44.jpg)
Kung tutuusin, meron namang Microfinance Program na nasa ilalim ng Republic Act 8425 o ang Social Reform and Poverty Alleviation Act. Layon nito na mabigyang puhunan o mapautang ang mga maliliit na negosyante gaya nina Mang Danny, Riza at Connie. Nasa ilalim ito ng NAPC o National Anti-Poverty Commission kasama ang GOCC o Government Owned and Controlled Corporation na People’s Credit and Finance Corporation o PCFC. Ang tanong, nakakarating ba ito sa mga tamang benepisyaryo?
Huwag palalampasin ang “Lubog sa Utang” ngayong Huwebes, January 21, 5:20 PM, pagkatapos ng Destiny Rose.