ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga batang nagbabanat ng buto sa quarrying sites, tampok sa 'Reporter's Notebook'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 

Buhay sa Bato
Thursday, February 11, 2016
5 PM sa GMA-7

 


Ang mga batang gaya ni Froilan, sampung taong gulang, dapat lapis at papel ang hawak. Pero martilyo ang hawak niya araw-araw. Matiyaga niyang dinudurog ang malalaking bato mula sa isang quarrying site sa Montalban, Rizal at tsaka ibinebenta sa mga nagsusuplay na bato at buhangin sa mga construction site. Ang lola ni Froilan ang nag-aalaga na lang sa kanya. Iniwan siya ng kanyang ama at ina. Kaya kung hindi siya kakayod, wala silang kakaining maglola. Pangarap niya, makapasok sa susunod na pasukan.

 


Gaya ni Froilan, maaga ring namulat sa pagtulong sa pamilya ang magkakapatid na sina Jomaica, labing dalawang taong gulang, Joana, labing-isang taong gulang at JR, walong taong gulang. Kung pagmamasdan, tila laro lang para sa kanila ang pagpipitpit o pagdurog ng bato. Pero sa totoo lang, makapal na ang kalyo sa kanilang mga kamay, tanda ng matagal na pagbabanat ng buto. Ang kanilang mga magulang na sina Jonas at Erika ang umaakyat sa mataas na bahagi ng quarrying site para makapagtibag ng mas malalaking bato. Di alintana ang panganib, kesa matakot, mas importante raw na matugunan ang pangangailangan ng pamilya.

Anong kinabukasan ang naghihintay kina Froilan at Joana?

Huwag palalampasin ang "Buhay sa Bato" ngayong Huwebes, February 11, sa bago nitong oras 5:00 PM, pagkatapos ng Destiny Rose sa GMA-7.