ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Peligrosong trabaho sa pabrika ng bote, sisiyasatin sa 'Reporter's Notebook'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 

PANGANIB SA BUBOG
Huwebes, February 18, 2016
11:35 PM sa GMA-7

 


Sa isang surveillance video na nakuha ng Reporter’s Notebook sa isang pagawaan sa Bulacan, gabundok na basag na mga bote ang nakapalibot sa mga manggagawa. Trabaho nilang durugin ang mga ito at gawing bubog. Nireresiklo ang mga ito upang muling gawing bote. Pero sa kanilang pagbabasag ng mga bote, matinding panganib ang kanilang hinaharap.

 


Nakilala namin ang isang manggagawa na itatago namin sa pangalang James. Kwento niya kahit napalilibutan sila ng matatalas at basag na bote, walang anumang proteksyon ang mga manggagawa. Maging si James, muntik na raw maputulan ng daliri habang nagbububog ng mga  bote. Delikado na nga ang trabaho, kakarampot pa ang ibinabayad sa mga gaya ni James.

 


Pero sa surveillance video, kita ring may mga menor de edad sa loob ng pabrika. Sa video, kitang kita ang tatlong batang nagtitiktik ng mga bubog at naglalakad sa sahig na may mga matatalim at basag-basag na bote nang naka-tsinelas. Matagal nang problema ang child labor sa bansa. Ayon sa isinagawang Survey on Children noong 2011, nasa mahigit tatlong milyong bata edad lima hanggang labimpito ang nasasadlak sa child labor at halos siyamnapu’t siyam na porsyento sa bilang na ito, nasasadlak sa hazardous o mapanganib na uri ng trabaho.

 


Huwag palalampasin ang “PANGANIB SA BUBOG” ngayong Huwebes, February 18, sa bago nitong oras 11:30 ng gabi pagkatapos ng Saksi.