ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga panukalang ordinansa ng papasok na administrasyon, bubusisiin ng 'Reporter's Notebook'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 

 

 


 

Reporter's Notebook
Batas at Bata
Huwebes, May 26
11:35 PM sa GMA-7

Mahigit isang buwan mula ngayon, manunumpa na si incoming President Rodrigo Duterte. Sa kanyang pag–upo, change is coming ang kaniyang pangako, kabilang ang pagpapatupad sa buong bansa ng mga batas na nauna nang ipinatupad sa Davao City. Isa na rito ang City Ordinance 2491 o the Children’s Welfare Code na nagbabawal sa pananatili sa labas ng bahay ng mga menor de edad kung walang kasamang magulang pag patak ng alas-diyes ng gabi.

 


Sa kalye Agora sa Navotas, naabutan ng Reporter’s Notebook na nangangalakal ni Budong, sampung taong gulang. Tatlong taon na rin ang nakalilipas mula nang iwanan si Budong ng kanyang ina sa poder ng kanyang ama. Ang malungkot, pumanaw ang kanyang ama nito lamang pebrero dahil sa sakit sa baga. Mula noon, kalsada na ang kanyang naging kanlungan.

 

 


Kung tutuusin, dapat ay mga institusyong kumakalinga sa mga gaya ni Budong na sa lansangan nakatira. Sa ngayon ay labing lima lang ang reception centers na nasa pamamahala ng mga LGU sa Metro Manila habang tatlo naman ang pinapatakbo ng DSWD main office. Ang problema ayon mismo sa DSWD, overcrowded na ang ilan sa mga ito. Saan kaya dadalhin ang mga gaya ni Budong sakaling kunin sila mula sa kalsada?

 


Kabilang pa sa mga ordinansa sa Davao na nais ipatupad sa buong bansa ang liquor ban at no-smoking policy. Posible raw ipagbawal ang pagbebenta ng alak pagpatak ng alas dos ng madaling araw gayundin ang pagbabawal ng paninigarilyo sa mga publikong lugar. Kung tutuusin ay may mga batas na rin tungkol sa pagbebenta ng alak at paninigarilyo sa pampublikong lugar, at may ilang lungsod na sa Metro Manila ang may sari-sariling ordinansa. Ang problema, hindi naman lubusang naipatutupad ang mga patakarang ito. Habang maraming kabataang unti-unting nalululong sa mga bisyo.

 


Sa isang pag-aaral ng College of Public Health ng University of the Philippines at Department of Health noong 2001, 38.9 percent ng 10,000 sample population sa bansa edad labingtatlo pataas ang umiinom na ng alak. Ayon naman sa National Youth Commission noong 2011, dalawa sa bawat limang Filipino teenager ang naninigarilyo.

Paano nga ba ipatutupad ng bagong Pangulo ang mga patakarang ito sa buong bansa? At ano ang solusyong ihahain ng bagong administrasyon para malunasan ang ugat ng maraming problemang nababakas sa mga lansangan: ang kahirapan.

Huwag palalampasin ang “Batas at Bata” ngayong May 26, 2016, 11:35 pm sa 2016 New York Festivals Bronze World Medalist--Reporter’s Notebook pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.