ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kaso ng summary execution sa Quezon, sisiyasatin sa 'Reporter's Notebook'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa bayan ng Mulanay at General Luna sa Quezon, natagpuan ang putol-putol at sunog na bahagi ng apat na tao noong September 26, 2016. Tatlong ulo ang nakita, lahat pawang may mga tama ng baril. Ang isang ulo, hindi pa rin natatagpuan hanggang ngayon. Sino ang nasa likod ng karumal-dumal na krimeng ito?


Isa sa mga bangkay ang positibong kinilala ng kanyang asawang si Carina, di niya tunay na pangalan. Kuwento ni Carina, nagpaalam ang kanyang mister para pumunta sa bahay ng kaibigan para magsugal. Nang madaling araw na iyon, naganap naman ang isang drug buy-bust operation sa bahay ng nasabing kaibigan.  Kaagad raw nagpunta si Carina nang marinig ang nangyaring buy-bust operation pero wala roon ang kanyang asawa. Hanggang sa matagpuan na lamang itong wala nang buhay, sunog at putol-putol ang katawan, kasama ang iba pang bangkay.


Marami sa mga kaso ng pagpatay, “salvage”, o sinasabing summary execution ang gawa ng mga riding in tandem at hitman na hindi pa rin tukoy hanggang ngayon. Pero sa likod ng isang insidente ng pagpatay sa Oriental Mindoro, natuklasan kung sino ang mga naka-maskarang “riding in tandem.


Alas onse ng gabi ng October 9, 2016, habang hinihintay ang isang taong humihingi ng tulong sa labas ng kanilang bahay sa Gloria, Oriental Mindoro, binaril ng dalawang hitman sakay ng isang motorsiklo si Zenaida Luz, lider ng Citizens Crime Watch o CCW. Bago pa madala sa ospital si Zenaida, ilang saksi ang nakatawag pa ng pulis. Hinabol at binaril pa ng pulis ang dalawang sakay ng motorsiklo at dito nagulat sila sa kanilang natuklasan. Dahil ang dalawang sakay ng motor ay parehong pulis pala.


Huwag palalampasin ang espesyal na ulat ngayong October 27, 2016, 11:35 pm sa 2016 New York Festivals Bronze World Medalist at 2016 US International Film and Video Festival Silver Screen Awardee--Reporter’s Notebook pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.