ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pagbangon ng Marawi, tinutukan ng 'Reporter's Notebook'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 


Halos dalawang buwan mula nang magsimula ang bakbakan sa Marawi City, pinayagan ng Armed Forces of the Philippines o AFP na makasama si Maki Pulido sa ilang cleared area o mga lugar na nabawi na ng militar. Nasilip ng Reporter’s Notebook maging ang pinuwestuhan ng ilang sniper ng mga kalaban.

 

 

Umulan man o umaraw, bente kwatro oras nilang binabantayan ang mga lugar na pwedeng pasukan o labasan ng grupong Maute. Hindi rin sila nawawalan ng pag-asa na may masagip pang mga sibilyan na nasa gitna ng bakbakan.

 

 

Sa ngayon, apat na lang sa siyamnapu’t anim na barangay ng Marawi City ang hindi pa nababawi ng pwersa ng gobyerno. Pero ang ilan sa mga naging kuta ng Maute, matagumpay nang nabawi, gaya ng Dansalan College. Pero ibang-iba na ang itsura nito sa ngayon. Wasak na ang kolehiyo.

 


 


Sa drone footage naman bago mangyari ang krisis, makikita ang dating hitsura ng Marawi City. Makalipas ang mahigit limampung araw ng magkabakbakan, durog na durog ang buong siyudad. Marami sa mga bahay, gusali at imprastraktura ang nawasak.

 


 


Pero bukod sa mga nawasak na bahay at imprastraktura, malaking problema rin ngayon ang daing ng mga evacuee o bakwit. Sa halos siyamnapung libong pamilyang bakwit, mahigit walumpu’t limang libong pamilya ang itinuturing na home-based evacuees o yung mga nakikitira sa kanilang mga kaanak. Daing ng ilan sa kanila, hindi sila naaabutan ng ayuda. Mahigit apat na libong pamilya naman ang nananatili sa mga evacuation center. Binisita ng Reporter’s Notebook ang ilan sa mga nasa evacuation area. Maging sila, kailangan pa rin ng tulong.

 



Ayon sa gobyerno, nakahanda na ang Task Force Bangon Marawi para sa rehabilitasyon ng siyudad.

Huwag palalampasin ang “BANGON, MARAWI” ngayong July 13, 2017, 11:35 pm sa 2017 New York Festivals Gold World Medalist at 2016 US International Film and Video Festival Silver Screen Awardee--Reporter’s Notebook pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.

 

Tags: pr