ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Isyu ng hazing sa Pilipinas, tatalakayin ng 'Reporter's Notebook'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 


Puno ng hinagpis ang pamilya Castillo nang magtungo sa isang punerarya sa Sampaloc, Maynila. Isa na kasing malamig na bangkay nang abutan nila ang kanilang anak na si Horacio Tomas “Atio” Castillo III,  bente dos anyos at first year law student ng University of Sto Tomas. May mga pasa sa kanyang magkabilang braso. Biktima si Atio ng hazing ng sinalihang Aegis Juris Fraternity. Heart failure ang kanyang ikinamatay ayon sa autopsy na isinagawa ng Philippine National Police.

 


Itinuring na principal suspect sa pagkamatay ni Atio si John Paul Solano na nakita sa CCTV na sakay ng motorsiklong nakasunod sa pick-up kung saan isinakay ang katawan ni Atio. Mga suspek rin ang mag-amang sina Antonio at Ralph Trangia. Ayon sa PNP, seargent-at-arms ng Aegis Juris si Ralph. Nakarehistro naman sa ama niyang si Antonio Trangia ang pulang pick-up na ginamit sa paghahatid kay Atio sa Chinese General Hospital na nakunan din ng CCTV.

 


Sa kabila ng pagkakaroon ng Anti-Hazing Law, patuloy na nangyayari ang ganitong uri ng karahasan. Ilan sa mga biktima ang humihingi pa rin ng katarungan. June 2014, nasawi ang labingwalong taong gulang at HRM student na si Guillo Cesar Servando dahil sa hazing ng sinalihang Tau Gamma Phi fraternity. Nakunan pa ng CCTV ang pasuray-suray na lakad niya sa loob ng isang condominium hanggang sa tuluyan siyang bumagsak.

 



Sa datos ng Directorate for Investigation and Detective Management ng PNP, mula December 2002 hanggang September 2017, umabot na sa 207 ang naiulat na hazing victim sa buong bansa at labing dalawa rito ang napatay. Umabot naman sa 393 ang bilang ng mga hazing suspect, pero halos tatlong daan ang at-large, tatlumpu ang naaresto, at labing lima naman ang na-convict o nahatulan.

 


Huwag palalampasin ang “DAHAS SA KAPATIRAN” ngayong September 27, 2017, 11:35 pm sa 2017 New York Festivals Gold World Medalist at 2016 US International Film and Video Festival Silver Screen Awardee--Reporter’s Notebook pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.
Tags: pr