ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pagsira ng mga smuggled luxury cars, tinutukan ng 'Reporter's Notebook'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 


Matagal nang problema ang smuggling sa Bureau of Customs o BOC. Kabilang sa mga ipinupuslit ang mga luxury cars. Nito lamang nakaraang linggo, sabay-sabay winasak ang tatlumpung smuggled luxury vehicle sa Maynila, Cebu City at Davao City. Ang mga magagarang kotse, dahan-dahang pinitpit at ginulungan ng bulldozer. May kabuuang halaga na mahigit animnapung milyong piso ang winasak na luxury cars.

Ang kadalasang istilo ng pagpapalusot ng mga mamahaling sasakyan ay ang tinatawang na undervaluation—isang uri ng technical smuggling. Ibig sabihin, sa pakikipagkuntsabahan ng ilang tiwaling opisyal ng Customs, idedeklara ng importer na mababa ang presyo ng luxury car para mababa rin ang babayarang buwis. Condemnation o pagwasak ang sasapitin ng mga mahuhuling smuggled luxury car, ito raw ay para turuan ng  leksyon ang mga smuggler.

Ipinakita rin sa media ng BOC ang dalawampu’t dalawang super car at luxury vehicle na nakatakdang wasakin sa mga susunod na linggo. Ang kabuuang estimated market value ng mga sasakyan na nasa Manila International Container Terminal, umaabot sa mahigit one hundred thirty three million pesos.

Pero may ilang nagtatanong, ang isa sa pinakamalaking illegal drug shipment na 6.4 billion pesos na shabu na nakumpiska noong nakaraang taon, nasaan na? Susubukan ng Reporter’s Notebook na hanapin kung saan nakaimbak ang bilyong pisong droga. Napanagot ba ang mga taong itinuturong sangkot dito?

Huwag palalampasin ang “KONTRABANDO” ngayong February 15, 2018, 11:35 pm sa 2017 New York Festivals Gold World Medalist at 2016 US International Film and Video Festival Silver Screen Awardee--Reporter’s Notebook pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.

Tags: pr