ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ilang gusaling napabayaan at di mapakinabangan, tampok sa 'Reporter's Notebook'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ang bawat kusing na ginagastos ng gobyerno para sa pagpapatayo ng mga imprastruktura gaya ng kalsada, tulay at mga gusali, nagmumula sa kaban ng ating bayan. Pero paano kung ang mga ginastusan ng milyon-milyong piso, nakatengga, unti-unting nasisira at hindi naman napakikinabangan ng mamamayan?

Sa ikalawang bahagi ng Pera Natin ‘To, personal na binisita ng Reporter’s Notebook ang iba’t ibang gusaling pinondohan ng milyon-milyong piso pero ngayon ay hindi naman napakikinabangan.

 


Sa Batangas City, tinungo ng Reporter’s Notebook ang Batangas Provincial Livelihood Center, isang tatlong palapag na gusali na itinayo noong 2004 para sana gawing sentro ng komersyo para sa ilang residente ng Batangas. Ang ginastos sa proyektong ito: 237 million pesos. Minsan nang pinuna ng Commission on Audit o COA ang proyekto dahil ni minsan ay hindi nagamit ang livelihood center.

 


Sa pagbisita naman ng Reporter’s Notebook sa Cagayan de Oro City, naabutang nakatiwangwang ang Cagayan de Oro City Convention Center na itinayo noong 2003. Binuo ito para sana pagdausan ng mga mahahalagang okasyon sa Mindanao. Ang kabuuang ginastos para sa proyekto: 494 million pesos. Makalipas ang labing limang taon, unti-unti nang nasisira ang gusali pero hanggang ngayon, hindi pa rin ito napakikinabangan.

Abangan ang mas pinalawak na pagbabantay sa mga isyu ng bayan sa ikalawang bahagi ng “PERA NATIN ‘TO” ngayong March 15, 2018, 11:35 pm sa 2017 New York Festivals Gold World Medalist at 2016 US International Film and Video Festival Silver Screen Awardee--Reporter’s Notebook pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.

Tags: pr