Mga proyektong ipinatutupad sa isa sa pinakamahirap na bayan sa bansa, tututukan ng 'Reporter's Notebook'
_2018_08_15_20_02_41.jpg)
SILANG PINAKAMAHIRAP
IKALAWANG YUGTO
NGAYONG AUGUST 16, 2018

Hanggang saan at ano ang kaya mong gawin para sa anak mong may karamdaman? Para kay Mang Samuel, wala nang dapat itanong pa dahil gagawin niya ang lahat mabuhay lang ang anak.


Dahil patuloy na idinaraing ni Jessica ang pananakit ng kanyang tuhod na naging dahilan para mahirapan siyang makalakad, sinamahan sila ng Reporter’s Notebook sa ospital. Pero hindi biro ang kailangang daanan papunta rito mula sa Silvino Lubos. Kailangang sumakay ng bangka at dumaan sa ilog. At dahil hindi makalakad, pasan-pasan ni Mang Samuel ang anak. Kasama rin niya papunta sa ospital ang bunsong kapatid na si Jonathan.


Sa eskuwelahan kung saan nag-aaral si Jonathan, isang silid-aralan ang nakatengga at hindi ginagamit. At maging sa Silvino Lubos Vocational High School, ang dakawang school building na par asana sa mga senior high school student, ilang poste lang ang nakatayo. Ano ang dahilan kung bakit hindi natapos ang mga proyektong ito na makatutulong sana sa mga mahihirap na residente?
