Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga benepisyo ng Universal Health Care Law at Cancer Law, alamin sa ‘Reporter’s Notebook


8-TIME NYF WORLD MEDALIST
2018 USIFVF SILVER SCREEN AWARDEE

PANGARAP NA LUNAS
July 4, 2019

 



Payat na payat at lumalaki ang tiyan, ganito ang kalunus-lunos na kalagayan ng tatlong taong gulang na si Mielle Dapulano. 2018 nang matuklasang taglay niya ang sakit na Primary Sclerosing Cholengitis, isang kondisyon kung saan lumalaki ang atay at lapay. Dahil sa pagdami ng tubig sa loob, patuloy ang paglaki ng tiyan ng bata.

Pero hindi lang si Mielle ang may karamdaman sa bahay nila. Ang kanyang lola na si Lola Pina, may stage 4 rectal cancer. Nagsimula lang daw sa pananakit ng tiyan at likuran ang karamdaman ni Lola Pina at nang hindi na niya matiis ang sakit, nagpadala na siya sa ospital. Dito na nila nalaman na nasa late stage na ang kanyang cancer. Dahil sa labis na panghihina at kawalan ng pera, hindi na sumailalim sa chemotherapy si Lola Pina. Umiinom na lang siya ngayon ng mga painkiller. Limang daang piso kada araw ang halaga ng iniinom niyang gamot.



Sa kaso ni Mielle, kakailanganin daw nila ng 2.3 million pesos para sa liver transplant sa India. Kaya ang kanyang inang si Michelle, lahat ginagawa para makalikom ng pera. Nagpapakalat siya ng mga lata para sa donasyon at nagbebenta rin siya ng mga t-shirt.  



Ngayong, naisabatas na ang Universal Health Care Law at Cancer Law. Paano ito makatutulong sa mga gaya nina Mielle at Lola Pina?

Abangan ang kanilang kwento sa “PANGARAP NA LUNAS” ngayong July 4, 2019 11:35 pm sa 2018 New York Festivals Bronze World Medalist at 2018 US International Film and Video Festival Silver Screen Awardee--Reporter’s Notebook pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.