ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kumusta nga ba ang mga Pinoy matapos ang taong ito?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

REPORTER'S NOTEBOOK

2020: ANG PAGTATAPOS

DECEMBER 31, HUWEBES, 10:30 PM SA GMA NEWS TV

Hindi naging madali ang taong 2020 para sa lahat. Bukod sa mga kalamidad na nagpadapa sa marami gaya ng pagputok ng bulkan at malalakas na bagyo, tumigil ang mundo natin dahil sa COVID-19 pandemic. Kukumustahin ng Reporter’s Notebook ang ilan nating kababayan na naapektuhan ng mga malalaking sakuna na sumubok sa kanila. Ano ang mga aral na dapat baunin sa pagtatapos ng 2020?

 


 

Umpisa pa lang ang taon, ginulat na ang marami nang sumabog ang Taal Volcano noong January 12.. Nasa viewdeck noon malapit sa main crater ang souvenir vendor na si lola Francisca Cantorna. Agad silang lumikas. Binalot ng makapal na abo ang maraming lugar.

 


 

Ang isla kung saan nakatira sina lola Francisca, hindi na pwedeng balikan at tirhan.

 

 

 

 

Dahil wala nang babalikang bahay, nangutang si lola Francisca para maipatayo ang isang bahay sa Talisay, Batangas.

 

 

 


 

Pero ang inaalala niya, ang kaniyang mga kapitbahay na nakatira pa rin hanggang ngayon sa mga tent matapos ang halos isang taon. Binisita ni Jun Veneracion ang ilan sa kanila. Ano nga kaya ang plano sa kanila?

 


 

Hindi lang ang pagsabog ng bulkang Taal ang kalamidad na hinarap natin. Buwan ng Nobyembre, nanalasa ang mga bagyong Rolly at Ulysses. Maraming bayan sa Luzon ang nalubog sa baha. May mga natrap sa kanilang mga bubong.

 


 

Naging pahirapan din ang rescue operations gaya ng na-cover ni Maki Pulido sa Marikina City. Si Judith Loreno, nakasalubong ng team na umiiyak dahil  na-stranded sa loob ng Provident Village ang asawa.

 


 

Makalipas ang halos isang buwan, hinanap ng Reporter's Notebook si Judith. Nagkita na kaya sila ng asawa niya?

 

 


Kinumusta rin namin ng Reporter’s Notebook ang dalawang medical frontliner na naka-duty sa Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium; sina Dr. Tin Rialubin at nurse Ninia Cabulay.

 


April 2020 noong una nilang ipakita sa amin ang sitwasyon sa loob ng ospital. Makalipas ang halos walong buwan, ano ang mga pagbabago sa kanilang ospital?
Abangan ang kanilang kwento sa “2020: ANG PAGTATAPOS” sa Reporter’s Notebook ngayong December 31, 2020, Huwebes, 10:30 PM sa POWERBLOCK ng GMA News TV.