ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Paano matutugunan ang ibang emergency cases sa gitna ng pandemya?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 


 

KAMANDAG
APRIL 15, 2021

 


Breeding season ng mga ahas ang tag-init kaya mas agresibo raw sila. Sa ilang pagkakataon, nakakaengkwentro sila ng mga tao.

 

 


Puwede sanang maagapan ang pagkakatuklaw ng ahas pero dahil na rin sa layo ng ospital o minsan sa kakulangan ng antivenom, may mga engkuwentrong nauuwi sa kamatayan. Ngayong tag-init na, at meron pa ring pandemya, paanong mapipigilan ang mga kaso ng pagkamatay dahil sa kamandag ng ahas?

 

 

 

 


Namatay si Maricar Manlangit labing walong taong gulang, ilang oras matapos makagat ng ahas sa isang gubat sa Nasugbu, Batangas nitong November 2020. Sabi ng nobyo ni Maricar na si Aljun, pababa na sila ng bundok pagkatapos kumuha ng gulay nang biglang umatake ang isang ahas. Natuklaw ng dalawang beses si Maricar.

 

 

 

 


 

Nahuli at pinagtataga ni Aljun ang ahas hanggang sa mapatay. Sa larawang ito, kumpirmadong king cobra ang kumagat kay Maricar. Dahil sa kumakalat na sakit na COVID-19, ayaw daw magpadala sa ospital ni Maricar at pinili nitong magpunta sa albularyo. Nang makita nilang nanghihina na si Maricar, nagpasya silang isugod na ito sa ospital. Pero hindi na naagapan ang kamandag at tuluyan siyang namatay.

 


February 25, 2021, binawian din ng buhay ang dalawampung taong gulang na si Jayson Nama matapos makagat ng ahas sa Villasis, Pangasinan. Nakatambay lang daw si Jayson sa tabing kalsada kasama ang barkada  nang bigla na lang lumabas ang isang ahas. Pinagpapalo raw nila ang ahas. Inakala raw nilang magbabarkada na patay na ang ahas kaya hinawakan ito ni Jayson. Pero ilang saglit pa, bigla itong gumalaw at tinuklaw si Jayson.

 

 

 

 


Base sa nangyari kay Jayson na wala pang tatlumpung minuto ay nakaramdam na ng pagkamanhid at nawalan ng malay, kumpirmadong Philippine cobra ang nakatuklaw sa kanya. Isinugod siya sa ospital pero huli na ang lahat.

 

 


Antivenom ang pangontra sa kamandag ng cobra. Pero  para magawa ito, kailangan munang kunin ang kamandag mula mismo sa ahas. Sa isang farm ng Research Institute for Tropical Medicine o RITM sa Los Banos, Laguna, nag-e-extract ng venom mula sa Philippine cobra. Pero limitado lang ang nagagawa nilang antivenom. Sa San Lazaro Hospital halimbawa na pangunahing takbuhan ng mga nakakagat ng ahas, pinagkakasya lang nila ang 25 vials ng antivenom kada buwan.

 

 


Abangan ang buong kuwento ng “KAMANDAG” sa Reporter’s Notebook ngayong Huwebes, April 15, 2021 11:30pm sa GMA 7 pagkatapos ng Saksi.