Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Babies: Lost and Found', ngayong Linggo sa Reporter's Notebook


 


BABIES: LOST AND FOUND

LINGGO / 9:15PM SA GTV

 

 

Sa kalagitnaan ng pagtulog ng isang mag-asawa at ng kanilang sanggol sa isang abandonadong sasakyan sa Maynila, isang babae ang biglang sumalakay. At habang himbing sa pagtulog ang mag-asawa, tinangay raw ng babae ang kanilang anak.  Nakunan ito ng CCTV.

 

Sino ang babae at mailigtas kaya ang sanggol mula sa kanya?

 

Sa Koronodal City naman hindi sa kalye kundi sa sementeryo iniwan ang isang buhay na sanggol. Ang bata, tila kapapanganak lang. Isang lalaking naglilinis sa puntod ang nakarinig daw sa iyak ng sanggol at nang hinanap ito dito na niya nakita ang bata.

Paano mapipigilan ang mga kaso ng pagkuha at pag-abandona sa mga sanggol?



HAPAG NINA RIZAL AT BONIFACIO

 

Sa araw ng kalayaan, sariwain natin ang kabayanihan nina Jose Rizal at Andres Bonifacio sa pamamagitan ng mga pagkaing bumusog sa kanila at baon nila sa kanilang laban. Pwede raw mas malaman ang nangyari sa kasaysayan sa pamamagitan ng pagkain.

 

Sa kanilang pagpupulong sa Katipunan, isa raw sa paboritong inihahanda ni Andres Bonifacio ang litson manok sa saha o litson manok na ibinalot sa saha ng saging bago litsunin. Pero may bagong twist daw ang culinary expert at food historian na si Lillian Borromeo sa pagkaing ito.

 

Sa kanto ng Kalye Juan Luna at Kalye San Fernando sa Maynila, kapansin-pansin ang isang luma at abandonadong gusali. Pero alam nyo ba dati pala itong pansiteria at pinaniniwalaang nabanggit pa ito sa nobela ni Rizal. Pero ang makasaysayang pansiteria tila napabayaan.

 

Kung ang kainang tila unti-unti nang naglalaho, ang mga pagkaing nabanggit na inihahain dito tulad ng pansit langlang, matitikman pa rin hanggang ngayon. Inihanda ng food historian na si Chef Christopher Carangian ang paboritong pansit ni Rizal.

Bakit mahalaga na mapreserba ang mga ganitong bahagi ng ating kasaysayan?

Abangan ang mga kwentong ito sa REPORTER’S NOTEBOOK sa bago nitong araw Linggo, JUNE 12, 2022 9:15pm sa GTV.